^

PSN Showbiz

Korean idols Yoona at Siwan mapapanood na sa hapon

Pilipino Star Ngayon
Korean idols Yoona  at Siwan mapapanood na sa hapon

Yoona at Siwan

MANILA, Philippines — Bibida ang Korean idols na si Yoona ng Girls’ Generation at Siwan ng ZE:A, kasama ang Korean model actor na si Hong Jong Hyun, sa pina­kabagong Asianovela na The King Is In Love na paghahariin ang pag-ibig simula Lunes (Jan 22) sa ABS-CBN.

Sundan ang kwento ng magiging hari na si Prince Won (Siwan) at kung paano mahuhulma ang kanyang kapalaran ng dalawang taong malapit sa kanya – ang kababatang si Wang Rin (Jong Hyun) at magandang dilag na si So-Hwa (Yoona).

Bata pa lang ay matalik na magkaibigan na sina Won at Wang Rin. Ang huli kasi ang isa sa unang naging kaibigan ng prinsipe at nagmulat sa kanya sa mundo sa labas ng palasyo. Magbibinata sila at mananatiling magkakampi sa lahat ng bagay hanggang sa dumating sa buhay nila si So-Hwa.

Iibig ang dalawa sa magandang dalaga. Mamahalin ito nang lubos ni Won na higit pa sa sarili, habang lihim naman itong mamahalin ni Wang Rin sa pangambang masaktan ang kaibigan.

Paano mamamagitan ang pag-ibig sa dalawang matalik na magkaibigan? Sino ang mas matimbang kay So-Hwa?

Ang theme song ng serye na Tunay na Pag-ibig ay inawit ni Sam Milby.

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng The King is In Love nga­yong Lunes (Jan 22), pagkatapos ng Hanggang Saan sa ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with