^

PSN Showbiz

Direk Antoinette inaakusahan ng ‘paninira’ kina James at Nadine

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Direk Antoinette inaakusahan ng �paninira� kina James at Nadine

Direk Antoinette

SEEN: Imbes na mag-emote sa social media, dapat kausapin ng direktor na si Antoinette Jadaone ang producer ng pelikula na ginagawa niya para hindi siya maakusahan ng paninira kina James Reid at Nadine Lustre.

SCENE: Dapat protektahan ni Antoinette Jadaone ang kanyang mga artista at ang mga proyekto niya, kahit may mga problema na hindi inaasahan na dumarating. Hindi na dapat ulitin ni Jadaone ang kanyang pagkakamali noong December 2015, siya ang unang nag-tweet na na-pull out sa mga sinehan ang kanyang filmfest movie na All You Need is Pag-ibig dahil sa kawalan ng manonood na naging ugat para lalong hindi panoorin ang pelikula ni Kris Aquino.

SEEN: Ang plano nina Billy Crawford at Coleen Garcia na bisitahin sa ibang bansa ang mga magulang ng singer/TV host bago sila magpakasal.

SCENE: Nagpapatayo ng bahay si JC Santos sa Pampanga dahil wala silang sariling bahay ng kanyang pamilya. Ayaw nang maranasan ni JC na makitira sa mga kamag-anak at magpalipat-lipat ng bahay.

SEEN: Spotted sa isang supermarket sa Mandaluyong City noong Martes ang former actor na si Dranreb Belleza at ang kanyang asawa. Malaki na ang ipinayat ng former child actor na biglang lumobo ang katawan noon.

SCENE: Nakatulong sa pagpayat ng singer na si Frenchie Dy ang regular na pagpunta sa gym. Kasali si Frenchie sa listahan ng mga showbiz personality na fitness seeker at tinutulungan na pumayat ng mga trainer ng isang prestigious gym.

SEEN: Fitness seekers din at nag-uunahan sa pagbabawas ng timbang sina Jake Zyrus, Donita Rose, Radha, at Luigi Muhlach, ang chef son nina Janice de Belen at Aga Muhlach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with