^

PSN Showbiz

Arci protektado ang mayamang bf sa bashers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Arci protektado ang mayamang bf sa bashers!

Anthony at Arci

Yayamanin palang talaga ang pamilya ng boyfriend ni Arci Muñoz na si Anthony Ng dahil ang pamilya nito ang nagsu-supply ng lahat ng meat products sa lahat ng SM supermarket.

Very open sina Arci at BF nito sa kanilang relasyon, ipino-post ni Arci ang photos nila sa Instagram (IG) account niya. Kaya lang, naka-off ang comment box niya, kaya walang makapag-comment at makapag-bash sa kanila.

Ruru masusubukan ang lakas kasama ang aso

Sunud-sunod na ang labas ng teaser ng Sherlock, Jr. at nagma-mall show na sina Ruru Madrid, Kate Valdez, Alyana Asistio, Gabbi Garcia at iba pang cast ng teleserye na papalit sa Super Ma’am.

Title role ng Sherlock, Jr. si Ruru dahil ito ang pangalan niya sa teleserye.

Kahit hindi tanungin, siguradong pressured si Ruru ang magbida dahil pangalan niya ang nakataya kung ano man ang kahihinatnan nito. Mabuti na lang at suportado siya nina Gabbi, Janine Gutierrez, Andre Paras, Matt Evans at narito rin sina Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, at AiAi delas Alas.

Si Rechie del Carmen ang director ng teleserye.

Boses ni Mikee Quintos ang ginamit na boses ni Siri, ang Golden Retriever na makakatulong ni Ruru sa paghabol sa masasamang tao.

Sofia hindi pa rin pinapalitan si Inigo

Kilig na kilig ang fans sa kissing scene nina Sofia Andres at Diego Loyzaga sa premiere night ng Mama’s Girl.

Ang lakas ng sigawan ng fans sa  at pati si Roselle Monteverde ay nagulat sa lakas ng chemistry ng dalawa. Si­guradong may next movie sila sa Regal Entertainment.

Sa interview namin kay Sofia sa presscon ng movie, nabanggit nitong wala silang relasyon ni Diego pero umamin itong nanligaw sa kanya ang binata. After Inigo Pascual na three years niyang BF, hindi pa siya ulit nag-BF. Hindi na rin nito hinihintay na magbalik sa kanya si Inigo na masaya na kay Maris Racal.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Mama’s Girl na comeback directorial job ni director Connie S.A. Macatuno at sa tulong ng scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa-Gil ay nakagawa sila ng  isang magandang pelikula.

Chariz may international movie na gagawin

Kabilang sa cast ng Sirkus si Chariz Solomon sa role ni Astra at isang clairvoyant. Lagi raw stress si Astra dahil sa mga nakikita in the future, pero enjoy siyang gampanan ang karakter nito.

Isa ring come on kay Chariz sa Sirkus ang makatrabaho sina Cherie Gil at Gardo Versoza .

Sa January 21, 6:10 p.m., ang pilot ng Sirkus na mapapanood every Sunday for 13 weeks. Produced ito ng GMA Public Affairs for GMA 7.

Narinig pala naming ikinuwento ni Chariz na may gagawin siyang international movie. Hindi pa lang niya alam ang title at ang maganda, dito lang sa bansa ang shooting.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with