^

PSN Showbiz

Concert tickets ni Moira nagkakaubusan na

Pilipino Star Ngayon
Concert tickets ni Moira nagkakaubusan na

Moira

MANILA, Philippines — Handa na ang bagong Star Music artist na si Moira dela Torre para bumida sa concert stage para sa kanyang kauna-unahang show na may titulong Tagpuan at magaganap sa KIA Theater sa darating na Peb­rero 17 at 18.

“Nung ipinagdasal ko na magkaroon ako ng concert, hindi ko inaasahan na magiging sold out ito lalo na ang magkaroon pa ng repeat. Nag-uumapaw ang saya ko,” pagbabahagi niya.

Pumirma na rin ang Cornerstone artist ng two-year contract sa record label ng ABS-CBN, ang Star Music. Ngayong 2018 ay inaasahang isa siya sa mga mang-aawit na dapat abangan, lalo na ang kanyang solo album na kasalukuyan nang binubuo at ilulunsad malapit na malapit na.

Kamakailan ay umingay ang pangalan ni Moira dahil na rin sa pagkapanalo ng Titibo-tibo sa Himig Handog 2017. Ang cover naman niya ng Torete ay nagsilbing theme song ng pelikulang Love You To The Stars and Back ng Star Cinema. Siya rin ang umawit ng Huling Gabi, ang kantang kabilang naman sa pelikulang Last Night.

Ang aktor na si John Prats ang magsisilbing direktor ng kanyang Tagpuan concert. Ang show ay prinodyus ng Cornerstone Entertainment at Bright Bulb Productions.

Mabibili na ang tickets para sa Pebrero 18 sa halagang P3,922 (VIP), P2650 (VIP), P2,120 (orchestra), P1,272 (loge), at P848 (balcony). Bisitahin ang ticketnet.com.ph o tumawag sa 911-5555 para sa reservation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with