^

PSN Showbiz

Dalawang aktres duda na may ipinagpagawa si Korina sa ibang bansa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Wa­lang pagsidlan ng tuwa si Sylvia Sanchez sa magagandang feedback pagkatapos mapanood ang pelikulang Mama’s Girl ng Regal Multimedia na nagpa-premiere sa Trinoma nung isang gabi.

Itinuturing ni Sylvia na tuluy-tuloy ang suwerteng ibinigay sa kanya ng Diyos mula nung 2017 hanggang sa pagpasok ng 2018. “Kung binigyan ako ng Diyos ng The Greatest Love sa TV, eto namang Mama’s Girl ang sa movie ko. Kaya thankful talaga ako kay Mother Lily (Monteverde) na kinuha niya uli ako para ibigay sa akin ito.

“Si Mother naman talaga ang naka-discover sa akin, tapos sa akin niya ito ipinagkatiwala,” saad ni Sylvia.

Dito sa Mama’s Girl na idinirek ni Connie Macatuno, nakikita na ang closeness ng buong cast na pinangunahan ni Sylvia, kasama sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, at Jameson Blake.

Ngayong araw na mapapanood sa mga sinehan ang Mama’s Girl.

PAK: Doon din sa premiere night ang Mama’s Girl namin nabalitaan ang pagpanaw ng Asia’s fashion czar na si Pitoy Moreno dahil sa cardiac arrest.

Si Mother Lily agad ang unang tsinika namin tungkol sa pagpanaw ni Pitoy Moreno.

“I love Pitoy, na-sad ako,” pakli ni Mother Lily.

Ikinuwento na niya sa amin nang ikinasal daw sila ni Father Remy noong April 16, 1961, lumapit daw siya kay Pitoy para pakiusapan kung puwedeng igawa siya ng wedding gown pero one year to pay daw.

“Ang bait bait niya. Ginawan niya ako wedding gown. Siningil lang niya sa akin 1,500 pesos para sa buong entourage na, tapos pinautang pa niya sa akin,” dagdag na kuwento ni Mother.

Natawa na lang si Mother nang sinabi naming doon pala sa kasal niya sinimulan ang pag-issue ng post-dated check.

“Gaga! Wala pa nga ako pera nun! Kaya pinautang na niya ako, one year to pay ang wedding gown ko,” pakli niya sa amin.

BOOM: Dalawang maganda at maga­ling na aktres na ang nag-text sa akin at nagtanong kung ano raw talaga ang ipinagawa ni Korina Sanchez kaya siya pumayat nang ganun.

Parang ayaw nilang maniwalang Thermage lang ng Belo Medical Group ang ginawa sa TV journalist.

Naalala namin, doon pa lang sa wedding nina Dr. Hayden Kho, Jr. at Dra. Vicki Belo, kapansin-pansin na ang pagpayat niya. Ang laki nang iginanda ni Korina, kaya kinalkal ng iba kung ano talaga ang ipinagawa niya.

Tsika ng ilang napagtanungan namin, meron daw talagang ipinagawa si Mama Koring sa ibang bansa, pero hindi lang daw madetalye kung ano ito.

Tinanong namin ang isang taong malapit sa kanya, mabilis siyang nag-text sa amin ng, “Ay himala po ‘yan!”

Proud naman si Korina sa malaking nabago sa mukha niya, kaya maglalabas na raw siya ng sariling line ng beauty products niya. Pero mga hair care products muna ang sinimulan niya, kagaya ng shampoo, conditioner, at may spray net kaya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with