^

PSN Showbiz

Apat na showbiz couple Ikinasal na agad

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Apat na showbiz couple Ikinasal na agad

Kasal nina Boom at Desiree

Kalahati pa lang ng buwan

Mukhang masuwerte sa mara­ming couples ang unang buwan ng taon dahil kahit nasa ikatlong linggo pa lamang ng Enero ay may apat na celebrity couples na ang nagpakasal. Ang mga ito ay ang award-winning broadcast journalist-documentarist and TV news anchor na si Kara David at ang husband na niya ngayong si LM Cancio na isang si­nger-composer.

Ang second couple ay sina Maxene Magalona at Robby Mananquil na unang ikinasal sa simbahan noong January 8, 2018 sa Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati na sinundan ng kanilang beach wedding sa Shangri-La’s Resort and Spa in Boracay.

Nung January 10, 2018 naman ay ikinasal ang dating That’s Entertainment member, ang singer-actress na si Michelle Ortega sa kanyang husband na ngayon na si Police Director Gregorio “Greg” Pimentel na ginanap na The Manor ng Camp John Hay in Baguio City. At nitong nakaraang Linggo, ay ikinasal naman sa Lake Tahoe, California, USA ang Kapamilya actress na si Desiree del Valle sa kanyang “Flordeliza” co-actor at model na si Boom Labrusca.

Sa buwan ding ito ng Enero gaganapin ang grand debut party ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Isabelle Duterte sa Manila Peninsula Ballroom on Friday, January 19, 2018.

Si Isabelle ang controversial granddaughter ni Pangulong Digong at anak ng nag-resign na vice-mayor ng Davao na si Paolo Duterte.

Tres Marias nina Gary at Cheska artistahin

Kung artista na ang panganay na anak ng actor na si Gary Estrada (Ejercito) na si Kiko Estrada sa aktres na si Cheska Diaz, artistahin din ang ‘Tres Marias’ ng mag-asawang Gary at Bernadette Allyson na sina Icee, Gabbi, at Gerri.

Since nagmula sa showbiz royalty ang mga magulang nina Icee, Gabbi, at Gerri, hindi kataka-takang pasukin din ng tatlo ang showbiz tulad ng kanilang mga magulang.

Mikee suwerte, hindi napapahinga

Masuwerte ang 24-year-old Kapuso singer-actress na si Mikee Quintos dahil kahit baguhan ay agad siyang pinagkatiwalaan ng kinabibilangang network. Sa pagsisimula ng taon ay dalawang programa kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya, ang Sirkus at Sherlock, Jr na parehong magsisimula sa buwang ito ng Enero.

Ang adventure-fantasy ng Sirkus ay produced ng GMA Public Affairs na magsisimulang mapanood this coming Sunday at 6:00 p.m. Ito’y pinagtatambalan nila ni Mikoy Morales.  Kasama rin sa weekly series sina Andre Paras, Sef Cadayona, Klea Pineda, Gardo Versoza, Chariz Solomon at veteran actress na si Cherie Gil. Ito’y mula sa pamamahala ng award-winning writer-director na si Zig Dulay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with