^

PSN Showbiz

Aktres parang luka-luka, laging problemado sa asawa nA ‘di naman kayang hiwalayan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naguguluhan kahit ang malalapit na kaibigan ng isang pamosong aktres tungkol sa sitwasyon ng kanyang personal na buhay. Hindi siya maintindihan ng mga ito dahil iba ang mga sinasabi niya sa kanyang mga ginagawa.

Dati kasi ay parang bulkang Mayon na nagbubuga ng lava ang bibig ng aktres, galit na galit siya sa kanyang karelasyon, nag-aapoy ang damdamin niya.

Kuwento ng isang source, “So, lahat naman ng kinakausap niya nu’n, e, nagsabi sa kanya na lumaban. Na tapusin na niya ang pakikipagrelasyon sa lalaki. Ang dami-dami niyang hiningan ng opinyon at payo, nang-abala siya ng maraming tao.

“Akala naman ng mga kinausap niya, e, totoo ang mga sinasabi niya. Naloka na lang silang lahat nu’ng sabihin ni ____(pangalan ng aktres) na nagkakausap na sila ng guy, nagkaayos na sila, pero hindi raw naman sila nagkabalikan.

“Gusto lang daw niyang may kilalaning tatay ang mga anak nila, which is good, dahil para naman sa mga bata ang concern niya. Pero hindi du’n nagtatapos ang kuwento,” pabiting komento ng impormante.

Mas naloka ang mga taong malapit sa kanya dahil pagkatapos lang nang ilang linggo ay ang lalaki na ang naghahatid sa kanya sa taping. Sweet na sweet sila, parang walang nangyari, parang panaginip lang ang lahat ng kaguluhang pinagdaanan niya.

“Ngayon, humingi man siya ng payo sa mga kaibigan niya, e, baka hindi na siya pakinggan. Baka mag-pretend na lang ang mga ‘yun na wala silang naririnig.

“Mahirap nga namang magsayang ng laway para sa isang taong hindi naman nakikinig. Para ano pa nga naman ang sasabihin nila kung ang nasusunod din naman, e, ang girl?

“Kahit naman kasi nu’ng bagets pa ang babaeng ‘yun, e, paiba-iba na ang takbo ng utak niya. Hirap na hirap sa kanya ang family niya, dahil kung ano ang maisipan niyang gawin, e, ‘yun na ‘yun!

“Hanggang ngayon, depende pa rin sa lagay ng panahon ang takbo ng isip niya, papalit-palit, wala siyang napaninindigang decision. Kaya sayang lang ang mga payo na tinatanggap niya sa ibang tao, dahil sinasabi niyang hindi na niya kaya ang lahat, pero bukas-makalawa lang, e, sila na naman ng lalaki!

“Paano ba naman siya sisikatan ng araw sa desisyon niyang napakagulo at pabagu-bago? ‘Di puro sunset ang mangyayari sa buhay niya?” makahulugang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kabaitan ni Daniel ginawan ng malisya

Natural lang na magmarakulyo ang mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa rebelasyon ng isang nagpapakilalang fan ng aktor na hiningi ng kanyang idolo ang cellphone number nito.

Malakas kasi ang dating ng kuwento, para hingin nga naman ni DJ ang phone number ng dalaga ay may ibang kahulugan ‘yun, magkakaroon sila ng komunikasyon.

Siyempre’y sina Daniel at Kathryn lang ang may karapatang magmahalan, ganu’n ang insinwasyon ng kanilang mga tagasuporta, kaya bash kung bash ang natikman ng babae.

Sa sobrang excitement ay inilabas sa social media ng girl ang nangyari. Ipinagmalaki nito ang picture nila ni Daniel. Dati raw kasi ay tinitingnan lang nito nang malayuan ang binata pero ngayon nga ay nakatabi na nito sa retrato.

Okey na ‘yun, napakarami namang nagpaparetrato sa tabi ni DJ, ang nakadagdag lang sa sitwasyon ay ang sinabi ng dalaga na kinuha raw ni Daniel ang kanyang telephone number. May malisya ‘yun para sa mga KathNiel fans.

Kailangang maingat ang mga artista sa kanilang mga sinasabi at ginagawa. Tulad ng senaryong ito, ano nga naman ang iisipin ng ibang tao kapag ipinagkalat ng babae na kinuha ng isang sikat na male personality ang kanyang phone number, magiging positibo ba ‘yun sa pananaw ng kanyang mga tagahanga?

Ang dami-dami pa namang lalaking personalidad na gumagawa ng ganu’n. Kapag may itsura ang fan ay kinukuha nila ang phone number, makikipagkomunikasyon sila, hanggang sa mauwi na sa romansa ang kuwento.

“Tulad ni ____(pangalan ng isang sikat na male personality), gawain niya ang ganyan! ‘Yung mga talents (read: extra) na sexy at magaganda, nagiging ka-churva niya!” sabi ng aming source.

Kaya ingat-ingat lang sa mga galaw, sa kasagsagan ng social media ay siguradong lalabas ang istorya, kaya masasangkot sa kontrobersiya ang artista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with