^

PSN Showbiz

Pagtawag ng gaga ni Alden sa assiStant, hindi na bago!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pagtawag ng gaga ni Alden  sa assiStant, hindi na bago!

Alden

Si Papa Digong nga malutong magmura

So what naman kung sinabihan ni Alden Richards ng “gaga” ang kanyang personal assistant dahil sa side comment nito tungkol sa video ng birthday greeting ng aktor para sa isang nagpapabati?

Hindi isyu ang pagsasalita ni Alden ng gaga dahil normal sa mga artista na mag-dialogue nang ganoon. Mga tao rin sila ‘no!

May attempt na siraan si Alden ng detractors niya na palaging naghahanap ng butas at mali sa kanyang mga kilos at salita.

Kung si President Rodrigo Duterte nga, malutong magmura, si Alden pa kaya na very harmless ang pagsasabi ng gaga?

Ang mga nagbigay ng malisya sa sinabi ni Alden ang mga tunay na gaga dahil pinalalaki nila ang isang isyu na walang kakuwenta-kuwenta. Kung talagang may malisya si Alden, in-edit sana nito ang video greeting pero hindi niya ginawa dahil walang masama sa kanyang sinabi.

Ogie, Regine, Michelle / Pops at Martin walang sexuAl tension ‘pag nagkikita-kita!

Sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Michelle van Eimeren ang living proof na puwedeng maging best of friends ang mga ex-lover.

Palaging pumapasok sa isip ko ang sitwasyon ng tatlo dahil ang ganda-ganda ng relasyon nila. Kapag nagbabakasyon sa Pilipinas si Michelle at ang Australian husband nito, tumutuloy sila sa Quezon City house nina Ogie at Regine. Sa tuwing nagpupunta naman sa Australia ang pamilya nina Ogie at Regine, welcome na welcome sila sa bahay nina Michelle at Mark Murrow.

Sina Pops Fernandez at Martin Nievera, ang ganda rin ng relasyon, kahit kontrobersyal at talk of the town ang paghihiwalay nila noon na matagal na pinagpistahan ng madlang-bayan, sadyang ginagamot ng panahon ang mga sugat na likha ng masakit na break-up.

Noong una, inisip ko na may kinalaman ang pagiging foreigner nina Michelle at Mark kaya iba ang kultura nila. Hindi problema o isyu sa kanila na maging kaibigan ang kanilang mga ex-husband o ex-wife, lalo na kung may mga anak na involved.

Nagbago ang paniniwala ko dahil Pinoy na Pinoy sina Regine at Ogie, Pops at Martin na mga hinahangaan ko dahil magaganda ang relasyon nila sa kanilang mga ex.

Nakita ko kasi noon na nag-try si Rudy Fernandez na maging close kina Alma Moreno at Joey Marquez.

Lahat ng mga invitation nina Alma at Joey, pinupuntahan nina Rudy at Lorna Tolentino pero kapag sina Rudy at LT ang may imbitasyon, si Alma lang ang nagpupunta, hindi niya kasama si Joey.

Ang feeling ko tuloy, naiilang si Joey sa ganoong set up. Parang sina Zsa Zsa Padilla at Alma Moreno na hindi komportable sa isa’t isa dahil ang una ang ipinalit ni Mang Dolphy sa huli na naging national issue noon.

Hay naku, ewan ko kung bakit pumasok sa ulo ko ang isyu na’to na epekto yata ng paghanga ko sa nakakabilib na friendship nina Ogie, Regine at Michelle at nina Pops at Martin.

Wish ko lang, maging magkakaibigan din ang ibang mga showbiz at ordinary couple na nagkahiwalay. Parang ang sarap-sarap na friend mo ang isang tao na kilalang-kilala ka.

Saka ang sabi nga, the sexiest thing is the friendship of a man and a woman without malice involved. Walang sexual tension kahit magkalapit sila na impluwensya na naman sa akin ng mga Koreanovela na pinapanood at pinagpupu­yatan ko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with