^

PSN Showbiz

Alden at Julie Anne nagagawa nang magbatuhan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden at Julie Anne nagagawa nang magbatuhan!

Aliw ang IG story ni Pia Guanio kung saan kumain ng wasabi si Alden Richards. Kuha ito sa pinuntahan nilang restaurant kasama sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Ang tapang ni Alden dahil hindi masyadong halata kung naanghangan man siya. Kinantyawan pa siya ni Pia na ang alam niyang mabilis kumain ang aktor, pero after maisubo ang wasabi ay hindi na nakapagsalita.

Pare-parehong sa South nakatira ang apat, kaya madali sa kanila ang lumabas to have dinner at magkwentuhan outside.

Anyway, nagulat ang viewers ng Sunday PinaSaya last Sunday dahil bukod sa magkasama sa skit sina Alden at Julie Anne San Jose ay nagbatuhan sila ng linya na ngayon lang nangyari.

Also, nakakapag-guest na uli sa Eat Bulaga si Julie Anne and last Saturday ay siya ang ka-duet ng Broadway Boys. Nakakapanibago dahil two years palang hindi siya nakapag-guest sa EB.

Samantala, bukas, January 17 na ang lipad ni Alden for Austra­lia para sa Jan. 20 concert niya sa Evan Theater Panthers Penrith sa Sydney. Kasama niya si Betong sa Alden Richards Live In Sydney.

Angelica panay ANG buntot kay Juday

Nabanggit ni Angelica Panganiban sa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Reyes, na madadalas siya sa South at tumatambay sa bahay nina Judy Ann at Ryan. Nami-miss kasi nito si Judy Ann at ayaw niyang maputol ang friendship nilang dalawa.

Mukha ngang hindi nagtapos ang friendship nina Judy Ann at Angelica sa shooting ng movie na showing na simula bukas. Noong isang gabi, magkasama ang da­lawa sa isang Japanese resto.

Ipinost ni Judy Ann ang photos nila nina Ryan at Angelica at may caption na. “Ang mahal kong si mr. Agoncillo...at isa pang mahal kong si mrs. reyes.”

Puro positive ang comments sa picture ng dalawa at wish ng fans na magtagal pa ang friendship nila kahit naipalabas na ang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa direction ni Jun Lana.

Bret pinasok ng bashers ni Nadine

Kabilang sa guest ng Revolution concert nina James Reid at Nadine Lustre si Bret Jackson na isa sa mga kaibigan ng dalawa. Makakasama niyang guest sa February 9, concert sa Smart Araneta Coliseum ang mga kaibigan pa ng JaDine na sina Kiana Valenciano at Sam Concepcion. Guests din sina Vice Ganda at Sarah Geronimo.

Samantala, pati yata socmed account ni Bret ay pinasok na ng bashers ni Nadine. Nag-react si Bret via Twitter. “Why would anyone bash Nadine in the first place?”, “A strong successful woman living her life and loving her family and friends”, at “Let’s all just be happy. Guys it’s 2018.”

In all fairness, marunong lumaban sa bashers si Nadine at sumasagot siya ‘pag alam niyang mali at hindi totoo ang inaakusa sa kanya. Ang mas magandang ginawa nito ay in-off ang comment box sa kanyang Instagram (IG), kaya ang account ng mga kaibigan ang pinapasok tulad nga ni Bret.

Meg umamin sa nakaraan nila ni JM

Sa last two weeks ng Super Ma’am fantasy/action series ay natutuwa si Meg Imperial dahil bumait na ang karakter niya. Naging defender na siya ni Super Ma’am (Marian Rivera), kaya hindi na magagalit sa kanya ang viewers.

Samantala, itinanggi ni Meg ang tsika na siya ang GF ni JM de Guzman. Nanligaw lang daw sa kanya ang aktor noong unang mag-break sila ni Jessy Mendiola, pero tumigil nang magkabalikan ang dalawa. Ngayon, friends na lang sila ni JM at suportado niya ang pagbabalik showbiz nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with