^

PSN Showbiz

Michele Gumabao pansin na pansin sa Bb. Pilipinas dahil sa katangkaran!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Michele Gumabao pansin na pansin sa Bb. Pilipinas dahil sa katangkaran!

SEEN: Isa ang volleyball player na si Michele Gumabao sa mga matatangkad na official candidate ng Bb. Pilipinas 2018. May taas na 5’10 1/2 ang aspi­ring beauty queen daughter ni Dennis Roldan na contract star ng Viva Artists Agency.

SCENE: Napalingon ang lahat kay Mel Tiangco nang pumunta ito sa isang mall sa Quezon City noong Linggo dahil bihira siya na makita sa mga public place.

SEEN: Sa January 19 ang official trailer launch ng My Fairy Tail Love Story, ang unang pelikula ng controversial real-life loveteam nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil hindi boto sa aktor si Jenine Desiderio, ang ina ng girlfriend niya.

SCENE: May babae na karelasyon ang comedian na si Tekla. Nagpapanggap lang na bading si Tekla na magaling mag-adlib pero hirap sumunod sa script dahil hindi niya nabibigyan ng justice ang mga joke na ipinade-deliver sa kanya.

SEEN: Plano ni Willie Revillame na idaos sa Philippine Arena sa January 27 ang 57th birthday niya dahil na-inspire siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao sa Countdown to 2018 na naganap din sa nasabing lugar noong December 31,2017.

SCENE: May mga eksena na pagod na pagod ang hitsura ni Gabby Concepcion sa Ika-6 Na Utos dahil sa madalas na pagpupuyat sa taping.

SEEN: Si Julie Anne San Jose ang kumanta ng Kung Ika’y Maniwala, ang theme song ng Sirkus, ang television drama fantasy ng News & Public Affairs ng GMA Network na mapapanood sa January 21, 6:10 p.m.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with