^

PSN Showbiz

TV host na sobrang taray, laging iniiwan ng driver sa kalye! Hunk actor ginawang eroplanoang kotse, nakikipaghabulan sa UFO

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
TV host na sobrang taray, laging iniiwan ng driver sa kalye! Hunk actor ginawang eroplanoang kotse, nakikipaghabulan sa UFO

Sa isang walwalan ng mga kababayan nating unipormado ay nag-throwback sila tungkol sa mga kilalang personalidad na nakakaengkuwentro nila nu’n sa kalye. Iba-ibang istorya ang maririnig sa umpukan.

May sexy star, may hunk actor, may female TV host, may magkarelasyong personalidad, may beki at meron ding direktor. Iba-iba ang kanilang sitwasyon, lahat ay naganap habang nasa kalye sila, kaya kailangang manghimasok ang mga uniformed men.

“’Yung female TV host, humingi siya ng tulong dahil iniwan siya sa gitna ng kalye ng driver niya. Galit na galit siya, pinagmumumura niya ang piloto niya na basta na lang ihininto ang kotse niya sa gitna ng kalye!

“Nu’ng tanungin naman siya kung bakit siya iniwan, e, siya mismo ang umamin na nabato raw niya ng cellphone ang driver niya. Super-tanga raw kasi, kung saan-saan dumadaan, e, male-late na raw siya sa show niya!

“So, itinabi ng mga pulis ang sasakyan niya, maya-maya, siya na mismo ang nagmaneho dahil wala raw sumasagot sa mga tinatawagan niya para sunduin siya sa highway.

“Pagkatapos ng ilang buwan, e, ganu’n na naman, same story, iniwan na naman siya ng driver niya sa gitna ng kalye. Nasa kanya na siguro ang mali, ang taray-taray kasi niya, mabilis siyang magalit,” kuwento ng aming source.

Iba naman ang kuwentong kinasasangkutan ng isang hunk actor, sa sobrang paglaklak ay ginagawa na niyang eroplano ang kanyang kotse, gusto na niyang paliparin sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya.

“Nu’ng harangin siya ng mga otoridad, e, simple lang ang sinabi niya. Hinahabol daw siya ng mga UFO, kitang-kita raw niya ang paglipad ng mga humahabol sa kanya, napakalakas daw ng ilaw, kaya silaw na silaw siya!

“Para makatakas siya sa mga UFO, binilisan din niya ang pagmamaneho, dumaan daw siya sa maliliit na eskinita, para hindi siya makita ng mga humahabol sa kanya.

“Lasing na lasing ang hunk actor, halos hindi na siya makapagsalita sa sobrang kawalwalan, kaya pinag-ingat na lang siya ng mga pulis. Grabe ‘yun, UFO na ang humahabol sa kanya!” natatawa pang kuwento ng aming impormante.

Bilang pagtatapos ay nagbigay pa ng clue ang aming source, “’Yung female TV host, e, kilalang-kilala sa pagiging matapang. Magaling siya pero maraming tauhan niya ang nagrereklamo dahil mabangis siyang boss.

“’Yung hunk actor naman, e, kilalang-kilala na sa paglaklak. Tubig lang para sa kanya ang alak, kaya ihi siya nang ihi!”

Ubos!

Pagmumura ni Alden, fake news!

Biktima na naman ng fake news si Alden Richards. May kumalat na video sa social media na may nagsasalita na kaboses ng Pambansang Bae. Kaboses lang.

Nagmumura ang nasa video, si Alden daw ‘yun, ipinipilit pa ng mga bashers ng singer-actor na totoo raw naman kasing palamura si Alden. Nakakaloka nga naman. Dahil sa kawalan ng maibibira kay Alden ay kung anu-anong kuwento na lang ang inilalabas ng ibang tao d’yan.

Mabuti na lang at buhay na buhay ang mga taong dumedepensa sa sikat na aktor. Ang mga ito ang nagpapatunay na kahit galit na galit na si Alden ay walang-wala sa kanyang bokabularyo ang pagmumura.

Kuwento naman ng aming source, “Kayang i-handle ni Alden ang emotion niya. Hindi siya candidate for anger ma­nagement. Maganda ang breeding ni Alden.

“Kahit naman sa social media, kitang-kita ang discipline niya. Hindi siya pumapatol sa mga bashers, may pagkakataong nagpapaliwanag lang siya, pero ‘yung makipag-away o makipag-argumento, e, hindi niya ginagawa.

“Maraming personalities na konting bagay lang, e, nakasagot na, ipinapahiya pa nga ang mga bashers nila, ‘di ba? Du’n mo makikita na magandang mag-handle ng negativity si Alden.

“’Yung magmura pa ba naman on the air ang gagawin niya? That’s fake news! Paninira lang, kasi nga, wala na silang mahagilap na panira du’n sa tao!” depensa kay Alden Richards ng aming source.

Tao lang si Alden Richards na umaaray din, pero alam niyang hawakan ang kanyang damdamin, bukod sa pagiging humble ay pinalaki rin nang maayos ng kanyang mga magulang ang Pambansang Bae.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with