Salamat Doc Belo? Korina nakakaloka ang bagong hitsura!
Marami ang naloka sa picture ni Korina Sanchez na gagamitin sa billboard ng Belo Medical Clinic.
Hindi nila agad namukhaan si Mama Koring dahil bagets na bagets ito sa kanyang pictorial bilang endorser ng Belo Thermage.
Kung marami ang nagulat at hindi makapaniwala, not me!
Nagkita kami ni Mama Koring sa Paris wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. noong September 2, 2017.
Noon pa lang, napansin ko na blooming si Mama Koring at mas maganda siya sa personal.
Ako mismo ang magsasabi at makapagpapatunay na hindi retokado o Photoshopped ang coming soon billboards ni Mama Koring para sa Belo Medical Clinic dahil ‘yon talaga ang hitsura at katawan niya sa personal.
Perfect endorser talaga si Mama Koring ng Belo Medical Clinic dahil bonggang-bongga ang epekto sa kanya ng Thermage procedure. Hindi lamang ang mukha niya ang lumiit dahil manipis na manipis din ang kanyang mga braso na kadalasan na problema ng mga kababaihan.
Kahit ako, makukumbinsi na pumunta sa Belo Medical Clinic at i-try ang Thermage procedure pagkatapos na makita ko ang billboard ni Mama Koring.
Andre isang araw lang ‘di makikita sa TV!
Happy ako para kay Andre Paras dahil tatlo ang regular show niya sa GMA 7 kaya mapapanood siya mula Lunes hanggang Linggo, except tuwing Sabado.
Kasama si Andre sa cast ng Sherlock Jr., ang bagong primetime teleserye ng GMA 7 na mapapanood simula sa January 29 at magiging kapalit ng Super Ma’am.
Mainstay si Andre ng Sunday PinaSaya at simula sa darating na Linggo, January 21, twice a day siya na mapapanood sa Kapuso Network dahil starring din siya sa Sirkus, ang weekly telefantasya na kaabang-abang, base sa teaser na napapanood ko.
Ang tatlong programa ni Andre sa GMA 7 ang reason kaya hindi na siya puwedeng tumanggap ng ibang mga raket dahil fully-booked ang schedule niya.
Pero hindi nagrereklamo si Andre dahil gustong-gusto niya ang kanyang mga ginagawa. Pareho sila ng kanyang tatay na si Benjie Paras na masipag at workaholic kaya hindi nawawalan ng mga assignment sa TV at pelikula.
Snooky kita sa hitsura na super in love
Nanay ni Lovi Poe ang role ni Snooky Serna sa The One That Got Away (TOTGA) ng GMA 7.
Groovy na nanay si Snooky sa bagong teleserye ng Kapuso Network at sa tunay na buhay, nakikipagsabayan siya sa millennials. Kung mapapansin ninyo, may malaking tattoo sa likod si Snooky. Pareho sila ni Lovi na may tattoo, ang difference lang, mas bagets si Lovi kesa kay Snooky na ang balita ko, may lovelife pero hindi taga-showbiz ang mhin na inspirasyon niya sa kasalukuyan.
In all fairness, true ang obserbasyon na habang nagkakaedad, gumaganda si Snooky na payat na payat noong teenager pa siya.
Maraming isyu na pinagdaanan si Snooky na epekto ng hindi normal na childhood dahil bata pa lang, artista na siya.
At least, okey na ngayon si Snooky dahil nakatulong ang maturity niya para magbago ang mga pananaw niya sa buhay.
Hindi katulad noong araw na imbes na dumaan sa pinto, nagdaraan siya sa bintana ng bahay nang mag-shooting sila ni Maricel Soriano sa Ilocos Norte para sa Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, ang pelikula ng Reyna Films noong 1995 dahil sa mga tao na iniiwasan niya na makita.
- Latest