PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Celine Dion tuloy na ang concert sa Manila, P35-k ang presyo ng ticket

Celine Dion

Bukas ang balik ni Papa Ricky Lo mula sa Las Vegas at sure ako na may mga kuwento siya tungkol kay Celine Dion.

Lumipad si Papa Ricky sa Las Vegas noong January 8 para sa exclusive interview niya sa sikat na Canadian singer sa Caesar’s Palace.

Timing na timing ang tsikahan portion ng dalawa dahil for the first time ever, magkakaroon si Celine ng concert sa Pilipinas sa July 19.

Ang Mall of Asia Arena ang venue ng concert ni Celine na excited nang makarating sa Pilipinas.

Kung thrilled na thrilled si Celine sa kanyang Manila visit, mas excited ang Pinoy fans niya na ngayon pa lang, pinag-iipunan na ang pambili ng tickets na may kamahalan ang presyo (P35,380; P32,210; P19,540; P16,370; P7,920 at P2,640).

Reasonable para sa die hard fans ni Celine ang ticket prices ng show niya dahil mas mataas pa rin ang presyo ng tickets sa two-night concert ni Madonna sa Mall of Asia Arena noong February 2016 na P57,750 ang pinakamahal at P3,150 ang cheapest.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mama’s Girl may kakaibang aral sa manonood

Nakatanggap ako ng phone call kahapon mula kay Roselle Monteverde dahil ni-remind niya ako na panoorin ang Mama’s Girl, ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na showing sa cinemas nationwide sa January 17.

Ang sabi ni Roselle, maganda at very inspiring ang kuwento ng Mama’s Girl. May nagkuwento sa akin na napaiyak si Roselle matapos panoorin ang pelikula dahil tagos sa puso ang mga eksena.

Idinagdag ni Roselle na ibang Sylvia Sanchez ang mapapanood sa Mama’s Girl at natural na natural ang acting ni Diego Loyzaga na siguradong minana ang acting talent mula sa kanyang tatay na si Cesar Montano.

Tungkol sa mag-ina na may gap ang kuwento ng Mama’s Girl at mga ganitong pelikula ang dapat tangkilikin ng manonood dahil may aral na matututunan.

Lilinawin ko lang, si Sofia Andres ang gumanap na anak ni Sylvia sa Mama’s Girl, hindi si Diego dahil kung ito ang nag-portray bilang anak ni Sylvia, Mama’s Boy at hindi Mama’s Girl ang title ng movie.

Seiko wallet tuloy ang ‘suwerte’

Maraming salamat kay Robbie Tan dahil sa mga Seiko wallet na ipinadala niya sa akin bilang Christmas gift.

Touched na touched ako sa kind gesture ni Robbie dahil every year, hindi siya nakakalimot na padalhan ako ng wallet na certified na masuwerte.

Iba’t ibang klase ng Seiko wallets ang ipinadala sa akin ni Robbie na pahinga muna sa pagpo-produce ng mga pelikula dahil naka-focus ang kanyang atensyon sa marketing ng Seiko wallets na nangunguna pa rin sa lahat ng mga brand ng pitaka sa Pilipinas.

Nakatatak na talaga sa mga Pinoy na basta Seiko ang pitaka nila, siguradong masuwerte sila at hindi mawawalan ng datung.

Naloka nga ako dahil nang malaman ng fans na binigyan ako ni Robbie ng Seiko wallets, naglalambing sila na bigyan ko rin sila para suwertehin din sila.

Magaling talaga na businessman si Robbie na isa sa mga movie producer na madaling kausap. Wish ko lang, maging active na uli si Robbie at ang kanyang movie outfit na Seiko Films sa paggawa ng mga pelikula dahil hindi pa rin nalilimutan ng madlang-bayan ang mga artista na pinasikat niya, ang kanyang blockbuster films at ang famous slogan na “If it’s from Seiko, it must be good!”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: