^

PSN Showbiz

Claudine umalma sa ‘fake news’ kay Mark Anthony

Pilipino Star Ngayon
Claudine umalma sa �fake news� kay Mark Anthony

MANILA, Philippines — Hindi napigilan ng aktres na si Claudine Barretto na patulan ang isang kumakalat na video kung saan kinumpirma niya umano na nakabuntis ng dalawang pulis ang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez habang nakakakulong.

Tinawag na “fake news” ni Claudine ang naturang video.

“Ayoko na san[a] patulan 'tong malisyosong tsimis na ito,pero nainterview daw ako ni TITO MARYO DUMAWAL.FAKE NEWS PO ITO!! NEVER SPOKE TO TITO MARYO FOR YEARS. #notofakenews,” nakasaad sa caption ni Claudine sa Instagram.

Nakapanayam umano ni Claudine si ABS-CBN reporter Mario Dumaual kung saan ikinuwento niya ang mga ginawa ni Mark Anthony.

“Minsan nagbiro pa nga, nagkameron daw siya ng girlfriend sa loob. Sabi ko nga imposible naman yata at wala naman akong nakitang babaeng nakakulong dun. Ang sabi niya pulis daw pero hindi ko masyado binigyang pansin dahil akala ko nagbibiro lang,” sabi umano ni Claudine basa sa nakasulat sa video.

Pinasinungalingan ito ni Claudine pero ang naturang video ay nasa Top 20 na ng Youtube worldwide.

Ayon sa pekeng balita, nabuntis umano ni Mark Anthony ang isang 24-anyos na pulis-Zambales at ang isang 27-anyos na pulis ng Nueva Ecija.

Nakalaya nitong Disyembre 22 si Mark Anthony matapos makulong nang mahulihan ng marijuana.
 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with