Pauleen master na master na ang pagNA-nanay!
Bossing feeling young dad
Ang pamilya nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang nakita ko sa first day ko sa Baguio City noong Martes.
Kitang-kita ko ang genuine sweetness nina Bossing at Pauleen na parehong hands on sa pag-aalaga kay Baby Talitha. Sabi ko nga, mukhang young dad si Bossing habang karga-karga si Talitha.
Bonggang nanay din si Pauleen na first time mother pero ang dami-daming alam tungkol sa pag-aalaga ng bata. I’m sure, panay ang basa niya ng mga baby book. Mali rin ang mga akala na mataba si Pauleen dahil okey na okey ang hitsura niya sa personal. Nagmumukhang mataba lang si Pauleen sa screen dahil plus ten pounds ang mga artista kapag napapanood sa telebisyon.
Ako ang makapagpapatunay na hindi chubby si Pauleen, dalawang buwan matapos na isilang niya si Baby Talitha.
‘Take It... video nina JL at Ellen hindi nakakapikon’
Hindi talaga ako mapipikon sa Take It! Take It! video na ginawa nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Paano ako mapipikon eh “Ninang Take It! Take It!” ang tawag sa akin ni Papa Greg, ang pinakasalan kahapon ni Michelle Ortega sa Baguio City?
Si Papa Greg ang nagsabi sa akin na fan siya ni Gabby Concepcion nang mangyari ang Manila Film Festival scam noong 1994 kaya memorized niya ang “Take It! Take It!”
Nakakaloka talaga ang mga nangyayari sa buhay ko. Ang akala ko pa naman, honorable na ako dahil kumpare ko na sina President Rodrigo Duterte, Secretary Bong Go, Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Senator Tito Sotto at Ilocos Norte Governor Imee Marcos na mga principal sponsor din sa kasal nina Michelle at Papa Greg kahapon na ginanap dito sa Baguio.
Hay naku, parang type ko nang pumunta sa Cebu at mag-gatecrash sa kasal nina John Lloyd at Ellen para ma-take it, take it ko ang mamahalin na engagement ring nila.
Mr. & Mrs. Cruz hindi kuwento nina JL at Ellen, inaabangan kung malalampasan ang Kita Kita
Showing na sa mga sinehan sa January 24 ang Mr. & Mrs. Cruz, ang pelikula ng Viva Films at The Idea First Company.
Starring sa Mr. & Mrs.Cruz sina Ryza Cenon at JC Santos, hindi sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ‘no!
Si Sigrid Andrea Bernardo ang direktor ng Mr. & Mrs. Cruz na inaabangan ng moviegoers na curious na malaman kung mahihigitan ng pelikula ang mahigit sa P300 million box-office gross ng Kita Kita.
Si Sigrid ang direktor ng Kita Kita na gumawa ng kasaysayan sa local movie industry noong July 2017 dahil monster hit ang pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Hoping si Sigrid na gaya ng Kita Kita, tatangkilikin din ng manonood ang Mr. & Mrs. Cruz na siya rin ang sumulat ng kuwento.
Ryza ayaw i takwil ang pagiging Kapuso
Kabado naman si Ryza Cenon dahil unang mainstream movie niya ang Mr. & Mrs. Cruz.
Excited na ikinuwento ni Ryza na bukod sa Mr. & Mrs. Cruz, may ibang mga pelikula pa siya na gagawin sa Viva Films.
Maligayang-maligaya si Ryza dahil natutupad na ang mga pangarap niya na makagawa ng mga pelikula at nangyari ito mula nang pumirma siya ng exclusive contract sa Viva Artists Agency. Inulit ni Ryza ang statement niya noon na kahit talent na siya ng Viva Artists Agency, mananatili siya na Kapuso.
Tumatanaw ng utang na loob si Ryza sa GMA 7 dahil ito ang nagbigay sa kanya ng malaking break nang sumali siya noong 2004 sa second season ng Starstruck, ang reality-based artista search ng Kapuso Network.
- Latest