^

PSN Showbiz

Angelica may trauma pa sa pangalang John!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Napapangi­ti lang si Derrick Mo­nasterio nang kan­tiya­wan sa birthday ng line producer ng BG Films International na si Dennis Evangelista tungkol sa paghuhubad niya sa pelikulang Almost a Love Story na gi­na­wa nila ni Barbie Forteza sa Italy. Ipinakita kasi ang teaser ng naturang pelikula sa laun­ching ng mga pelikulang gagawin ng BG Films ng mga premyadong director na sina direk Joel Lamangan, Mel Chionglo, at Louie Ignacio.

“Meron pa siyang eksena dun na nakatuwalya lang siya, nakatapis ng towel na ikakagulat ni Barbie,” bulalas ng direktor nitong pelikula na si direk Louie.

Sabi naman ni Derrick, okay lang daw sa kanyang paghubarin kung talagang kailangan sa eksena. Proud naman ang Kapuso young actor sa kanyang katawan na talagang maintained dahil kung mabibigyan daw siya ng magandang project na kailangang maghubad ay gagawin niya.

Itong Almost a Love Story ay isa lamang sa mga mala­laking pelikulang handog ng BG Films ngayong 2018. Kasama ng ilan pang gagawin nina direk Joel ang Angel Lumunsad na pagbibidahan ni Heart Evangelista at ang kay direk Mel naman na Sixty in the City na pagbibidahan daw ni Charo Santos.

PAK: Totoo nga bang hanggang ngayon ay hirap pa ring makapag-move on si Angelica Panganiban sa hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz?

Ewan ko kung totoo itong nakarating sa amin. Noong nagbakasyon daw si Angelica sa Japan kamakailan lang kasama ang besties niyang sina direk Andoy Ranay at Agot Isidro, meron daw isang guwapitong Japanese guy na gustong makipagkilala sa kanya.

Inurut-urot pa raw siya ni direk Andoy na makipagkilala na at baka maganda ang kalalabasan. Malay natin ‘di ba? Mukhang type naman daw ni Angelica na makilala si guwapitong Hapon kaya sinabi niya ang pangalan niya.

Sabi raw ni Japanese guy, “Hello, I’m John,” napatayo raw si Angelica. Tili raw niya, “John na naman! Lika na! Uwi na tayo!”

Nagulat daw si John na Hapon sa reaksyon ng Kapamilya actress.

BOOM: Talagang itinuloy pa rin ni Angeline Quinto ang pagsali sa Traslacion kung saan sumasampa siya sa Andas ng Mahal na Poong Nazareno, na apat na taon na niyang ginagawa.

Buung-buo ang faith ni Angeline sa Poong Nazareno kung saan kapag may pinagdaraanan daw siya ay sa Quiapo church siya laging nagdarasal. Lagi lang daw siya roon, kaya kilala na nga raw niya ang halos na security guards doon.

Wala siyang takot na sumabay kahapon sa napakaraming taong gustong makasampa sa andas ng Mahal na Poong Nazareno.

Ani Angeline, “Ang masasabi ko lang po, nasimulan ko na kasi. Siguro ito lang ‘yung way ko ng pasasalamat talaga sa Mahal na Poon, kasi lagi ko nga pong sinasabi na ang dami-dami niyang ibinigay sa akin na kahit hindi ko hiningi dumating sa akin, sa pamilya ko, sa mga taong mahal ko. So, siguro ito talaga ang paraan ko na magpa­salamat sa Kanya.

“Kumbaga kahit marami ‘yung taong nagsasabi na delikado… kasi kung ‘yung faith mo sa Kanya eh buong-buo, mawawala ‘yung takot na ‘yun. Kumbaga, hahayaan mo na siya na magbigay ng daan para makasampa ka dun.

“Kasi four years ko na po ginagawa ang pagsampa, never po ako nagkasugat kahit maliit.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with