^

PSN Showbiz

Marian sasabak sa out of the box na character!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa January 24 na ang last taping day ng Super Ma’am at kung tama ang kal­kula namin, sa Jan. 26, na ang final epi­sode ng action/fantasy series. Isa ito sa ma­habang teleserye ni Marian Rivera dahil six months silang magkakasama sa taping.

“Ngumalngal ako nang matapos ang Amaya dahil naging close ko ang cast at sure akong nga­ngalngal din ako ‘pag nagtapos ang Super Ma’am. Sobra rin ang bonding namin dito, malambing at malakas sila sa akin,” sabi ni Ma­rian.

May mga fight scene siya na kung kaya rin lang niyang gawin ay hindi siya nagpapa-double. Nabahala nga raw si Dingdong Dantes dahil baka maaksidente siya. Pero alaga siya ng fight instructor na si Val Iglesias.

Ang susunod na maggi-guest na aabangan ng viewers ay si Barbie Forteza na gaganap na sirena sa Jan. 15. After Barbie, may medusa karakter na lalabas at wala pang napipiling aktres to play the role and her three daughters.

Sabi pala ni Marian na dress at malaking make-up mirror ang Christmas gift sa kanya ni Dingdong.

Bago pala in-upload ni Dingdong ang wedding anniversary video nila ay ipinapanood muna niya sa kanila.

“Ipinaalam din ni Dingdong sa akin kung puwede niyang i-upload dahil gusto niyang i-share kung ga­ano niya ako kamahal. Bago niya ipa­panood sa akin, nangilid na ang luha niya at ako naman, humihikbi. Bumigay ako nang lumabas na si Zia. Ang haba nga ng hair ko dahil sa video na ‘yun, naapakan ang hair ko,” biro ni Marian.

Bago ang next show ni Marian, magre-renew muna siya ng kontrata sa GMA 7 at magpapahinga to spend time with Zia.

Gusto na rin muling gumawa ng pelikula ni Marian at ready na siya sa more daring role.

“Open na akong gumawa ng mga out of the box character. May asawa at nanay na ako. Basta walang kissing scene at hindi ko kailangang magpaseksi.”

Ogie tinuturuan ni Regine ng K-pop moves

Naaliw ang mga tao sa presscon ng #paMORE Valen­tine’s Day concert kay Ogie Al­casid dahil nang i-request ng mga reporter na mag-pose siya ay nag-pose ito na parang K-pop artist. Tinuruan pa siya ni Regine Velasquez na ilapit sa mata ang right fingers na naka-V sign at ang left arm ay naka-heart sign.

Kuwento ni Ogie, naisip niya ang concept ng repertoire ay songs ng mga grupo gaya ng The Platters at Stylistics. Nag-agree si Martin Nievera.

Anyway, kasama rin sa #paMORE concert si Erik Santos na hindi makapaniwala na kasama niya sa concert ang mga idol. Baka raw hindi siya makapag-perform sa February 10 at manood na lang sa tatlo.

Sa MOA gagawin ang concert to be directed by Paolo Valenciano at musical directors sina Louie Ocampo at Raul Mitra. Ang tsika, may sold out area na.

Produced ng Starmedia Entertainment ni Anna Puno at I-Music Entertainment ni Cacai Mitra ang #paMORE. Kabilang sa sponsor ang SEDA Hotel Vertis North.

Alexander nanagalog na

Maganda ang ginawa ni director Mark Reyes na bigyan ng Tagalog words ang dialogue ni Alexander Lee sa My Korean Jagiya.

Kahit sa interview kay Alexander, nagsasalita na ito ng Tagalog.

Ipinagmamalaki rin nito na he is a better actor now after ng workshop. Ang laki ng improvement ng acting niya compared sa first few weeks ng My Korean Jagiya. Naging flexible rin daw ang acting niya sa nakasanayan niyang Korean style of acting.

Natanong si Alexander ng plano niya after ng My Korean Jagiya.

“So far I have no upcoming show yet, but I’ll be going back to Korea for a break to spend time with my family and might go back to my radio show,” sagot ni Alexander.

Mami-miss ni Alexander ang mga kasama sa rom-com series na naging supportive sa kanya, lalo na ang leading leading lady na si Heart Evangelista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with