^

PSN Showbiz

Catriona Gray ayaw sumuko, umaasang nasa Miss U ang suwerte ; Juday pinagtawanan nang ipagsigawang hindi na-in love sa bakla ; Angelica yumabang nang makasa

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: “Wala… wala… walaaa… walaaaa!” ang paulit-ulit na sagot ni Judy Ann Santos nang tanungin siya kahapon sa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Reyes kung nagkaroon na siya ng pagnanasa sa isang lalaki na nadiskubre niya na bading pala.

SCENE: Umalingawngaw ang malakas na tawanan sa loob ng Dolphy Theatre dahil sa sagot ni Judy Ann Santos.

SEEN: Mayabang ang pakiramdam ni Angelica Panganiban dahil nakasama niya sa isang pelikula si Judy Ann Santos. Sinabi ni Angelica na may mga artista na gustong maglaslas dahil nakatrabaho niya si Judy Ann sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

SCENE: Ang kuwento ni JC de Vera na naranasan nito na mahipuan sa isang gay pride march sa Taiwan nang kunan dito ang mga eksena nila ni Joross Gamboa.

SEEN: Ang baby bump ni Ana Capri nang dumalo ito sa isang showbiz event. Palaisipan sa mga nakakita kay Ana kung buntis o mataba lamang siya.

SCENE: Malaking tulong sa publiko at sa mga motorista ang special coverage kahapon ng ABS-CBN News at GMA-7 News sa Traslacion 2018.

SEEN: Kukunan sa Baguio City ang mga nalalabi na eksena ng Almost A Love Story, ang pelikula nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. 

SCENE: “I have an unfinished business” ang sagot ni Miss World Philippines 2016 Catriona Gray sa pagsali niya sa Bb. Pilipinas 2018. Talunan sa Miss World 2016 si Catriona na nagbabaka-sakali na makuha niya ang karapatan na i-represent ang Pilipinas sa 67th Miss Universe.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with