^

PSN Showbiz

First time nagdala ng babae sa Spain, Liza gustung-gusto ng lola ni Enrique!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kababalik pa lamang nina Liza Soberano at Enrique Gil sa bansa noong Linggo mula sa kanilang naging bakasyon sa Europe. Naipakilala na raw ng aktor si Liza sa buong pamilya na nasa Spain.

Sobrang naaliw ang dalaga nang makilala ang lola ni Enrique. “’Yung lola ni Quen, sobrang animated siya. She’s just like Quen but 10 times more. For her age, she’s very hyper and she’s very funny. Walang dull moments, hindi siya nauubusan ng kuwento,” nakangiting pagbabahagi ni Liza.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ipinakilalang babae si Enrique sa kanyang pamilya na nasa Spain. “It’s a huge step for me to make pakilala her to all of them,” makahulugang pahayag ni Enrique.

Ayon sa binata ay sobrang nagustuhan at napamahal kaagad ang kanyang lola kay Liza kahit ngayon lamang nagkakilala. “Sinasabi niya sa akin na she loves Liza so much. Very edukada, very well-brought up woman. Natuwa naman ako,” nakangiting pahayag ng aktor.

Aljur sinuwerte kay Alas

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapinawala na makapagbibida na sa isang teleserye ng ABS-CBN si Aljur Abrenica. Isa ang bagong Kapamilya actor sa bida ng teleseryeng Asintado kasama nina Julia Montes, Shaina Magdayao, at Paulo Avelino. Mapapanood sa Kapamilya Gold block ang nasabing serye simula January 15.

“Ngayon pa lang nagsi-sink in lahat sa akin eh. Finally ito na ‘yung full length na sinasabing proyekto. I’m very excited,” bungad ni Aljur.

Matatandaang nakapag-guest muna sa FPJ’s Ang Probinsyano ang aktor ilang buwan na ang nakalilipas nang una itong tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN. Sobrang excited na ni Aljur dahil makapagbibida na sa isang serye ng Kapamilya network. “Sobrang excited dahil naipagkatiwala sa akin itong pagkakataong ito. At makakatrabaho ko ‘yung mga hinahangaan kong artista, sina Paulo, Julia at Shaina. Para isama ako sa kanila, laking pasasalamat ko dahil naniniwala sila sa akin,” paglalahad ni Aljur.

Samantala, itinuturing daw ng aktor na suwerte ang pagkakaroon nila ng anak ng kasintahang si Kylie Padilla. Para sa aktor ay maraming magagandang bagay ang dumating sa kanya mula nang magkaroon sila ni Kylie ng anak na si Alas.

Nagsusumikap si Aljur sa trabaho upang mabigyan ng magandang kinabukasan sina Kylie at Alas. “Suwerte talaga sa akin ‘yung anak ko. Hindi lang para sa akin, sa lahat ng tatay ito eh. Ang mga bagong tatay, gagawin n’yo ang lahat para mapabuti ‘yung sitwasyon n’yo sa buhay para may maibigay ka sa anak mo. Nandoon ako sa path na ‘yon,” paliwanag ni Aljur.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with