^

PSN Showbiz

Beauty pinagbintangang sawsawera!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sana hindi mapahiya si Beauty Gonzales sa mga pagtanggi niya na may magaganap na kasalan sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Kung hindi siya best friend ng would be bride ay baka pagbinta­ngan pa siyang nakiki-ride on sa ba­lita, pero dahil nga may access siya kay Ellen na dulot ng kanilang friendship kung kaya may bigat ang kanyang mga pinagsasasabi. Pero bakit kaila­ngang siya ang mag-deny ng kasalan? Bakit hindi si Ellen mismo?

Sa ginagawa niya, baka siya ang masisi ng tao kapag natuloy o hindi ang nababalitang wedding.

Bagong pera maraming nadenggoy

Sayang, ang dami kong bagong limang pisong coin na naipambayad dahil akala ko ay piso lamang. Bakit naman kasi kinailangang halos magkapareho ang bagong gawang limang piso na coin sa lumang piso? Nalilito tuloy at nawawalan ang mga meron nito?

Parang ganito rin ang nangyari nung sabay na lumabas ang 100 at 1000 pisong papel, nagkalituhan din at hanggang ngayon naman ay mayroon pa ring pagkakalituhang nagaganap. Kaya please, mga taga-Bangko Sentral, ayusin niyo ito.

Jason bibinyagan ni Dennis

Hindi lang marahil maninibago si Jason Abalos na isang comedy ang unang serye niya sa GMA. Maninibago siya na hindi lamang siya ang nag-iisang bidang lalaki sa serye. Kasama niya sa serye si Dennis Trillo.

Parang baptism of fire niya na makasama ang hari ng nilipatang istasyon sa una niyang assignment. Kailangan lamang na maipamalas niya na hari rin siya sa iniwang istasyon, na puwede siya sa kahit anong role.

Kahit nakilala siya bilang isang drama actor sa ABS-CBN, kailangang sa Kapuso Network ay magpakitang gilas siya sa comedy.

Masuwerte ang ex-Kapamilya na nananatiling ma­ti­bay ang relasyon nila ng nobya niyang si  Vickie Rushton sa kabila ng hindi magandang pinagdaa­nan niya. Hindi rin naapektuhan ng isyu ang mga produkto na iniendorso niya. Ito ang malaking ipinagpapasalamat niya sa buhay.

Dennis ayaw pakialaman ang pakikipaglandian ni Jennylyn

Kung dati ay hindi pinapanood ni Dennis Trillo ang mga pelikula ng partner niyang si Jennylyn Mercado, dapat ay ituluy-tuloy na niya ito at huwag nang panoorin ang All of You na palabas pa rin sa maraming sinehan kahit tapos na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017. Baka atakihin pa siya ng selos sa lubhang pagiging daring ni Jennylyn sa mga eksena nila ni Derek Ramsay na nagbigay sa aktor ng Best Actor award.

Sinabi ni Dennis na baka may mga nami-miss siya sa hindi panonood ng movies ni Jennylyn, pero laging naroon ang suporta niya sa GF.

Parehong professional ang magdyowa kung kaya wala silang problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with