^

PSN Showbiz

James may hinahandang panggulat kay Nadine!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa February 9, 2018 pa ang Revolution concert ng reel and real sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre na muling gaganapin sa Araneta Coliseum. Dito rin ginanap ang kanilang kauna-unahang major concert noong February 20, 2016, ang JaDine In Love kung saan inamin ng Australian-Filipino singer-actor na sila na ni Nadine na nagsimula nung Feb. 11, 2017.

Pinag-iisipan pa umano ng Viva Live, producer ng concert kung magkakaroon ng repeat concert ang Revolution na sobra umanong kakaiba kum­para sa kanilang unang major concert.

Ang special guests sa nasabing concert ay kina­bi­bilangan nina Sarah Geronimo, Vice Ganda, ang magkasintahang Sam Concepcion at Kiana Valenciano at si Bret Jackson.

Ano naman kayang bagong rebelasyon ang gagawin ng young singer-actor sa kanilang  February 9, 2018 concert nila ni Nadine?

Sylvia keri pa rin magpaluwa ng boobs

Sobrang napaka-sexy ng kasuotan ni ­Sylvia Sanchez nang ito’y dumalo sa presscon ng pang-opening salvo ng Regal Films, ang Mama’s Girl na idinirek ni Coney Macatuno. Kulang na lamang ay lumuwa ang malulusog na dibdib ng nanay nina Arjo at Ria Atayde at halatang na-conscious nang ito’y humarap sa entertainment media dahil panay ang kanyang hawak sa may bandang dibdib. Pero walang dapat ikabahala si Sylvia dahil carry niya ang kanyang sexy at magandang damit.

Nagpapasalamat si Sylvia sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde dahil muli siyang binigyan ng pagkakataon na makagawa ng movie sa bakuran ng Regal Films. Tampok din sa Mama’s Girl sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jameson Blake, Yana Asistio at iba pa.

Ayon kay Sylvia, ang Regal Films ang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula in 1988 sa pa­ma­magitan ng pelikulang Kahit Ako’y Tupang Itim, May Langit Din’.

Matapos magbida sa hit afternoon TV series na The Greatest Love ay mu­ling pinagkatiwalaan si Sylvia ng panibago niyang serye, ang Hanggang Saan na pinagsasamahan nila ng kanyang anak na si Arjo.

May tumor sa pancreas, Bernardo Bernardo umaasang gagaling

Nanawagan ang veteran stage, TV & movie actor na si Bernardo Bernardo na isa sa cast ng musical movie na Ang Larawan ng panalangin matapos siyang ma-diagnose ng pancreatic tumor kamakailan lang.

Patuloy ang pagsailalim ni Bernardo Bernando ng iba’t ibang diagnostic and laboratory tests at treatment na may kinalaman sa kanyang life-threatening illness.

Umaasa rin si Bernardo Bernardo na sana’y patuloy siyang gabayan ng Di­yos na makayanan niya ang bagong pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

Toni dapat nang sukuan si John Lloyd

It seems na hindi pa handang bumalik sa kanyang trabaho ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz dahil mas nakatutok ito ngayon sa kanyang preggy lady-love na si Ellen Adarna.

Magtatatlong buwan na ring naka-indefinite leave of absence si JLC at walang nakakaalam kung kelan ito babalik.

Samantala, dapat na sigurong desis­yu­nan ng management at ng mga tao sa likod ng kanyang weekly sitcom with Toni Gonzaga, ang Home Sweetie Home kung ano ang kanilang puwedeng gawin sa prog­rama. Malamang siguro na “patayin” na lamang ang character ni JLC , baguhin ang takbo ng istor­ya at gawin nang regular sa prog­rama si Piolo Pascual sa halip na special guest lamang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with