^

PSN Showbiz

John lloyd at Ellen negang-nega sa ginawA kay Lolit Solis!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Angeline inabangan sa Traslacion!; Ex ni John Lloyd na may anak na raw, tameme binubura ang mga tanong!

SEEN: Natunton ni Korina Sanchez at ng staff ng Rated K sa Divisoria ang vendor na si Sammy Leuterio, ang nagpauso ng Pasok Mga Suki, ang sikat na kanta na pumalit sa popularidad sa masa ng Baby Shark. Lalong sumikat ang Pasok Mga Suki nang sayawin ito nina Maine Mendoza, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga noong Sabado.

SCENE: Ang former SaLinggoNApoSila co-host na si Roniel Mendoza ang pinili ni Roselle Nava bilang singer sa Saturday night edition ng I Can See Your Voice. Flight attendant na ngayon si Roniel at dahil kabado sa muling pagharap sa mga TV camera, sintunado ang pagkanta niya pero siya pa rin ang nanalo.

SEEN: Negative ang mga comment laban kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna dahil sa Instagram post nila na pinagdududahan na patama kay Lolit Solis na very supportive sa relasyon nila. Mas matindi ang batikos kina John Lloyd at Ellen kesa sa pahaging nila sa veteran showbiz talent manager at PSN columnist.

SCENE: Inaabangan ng fans ni Angeline Quinto kung sasali siya sa Traslacion ng Black Nazarene tulad ng ginawa niya noong nakaraang taon. Ngayon ang Kapistahan ng Black Nazarene ng Quiapo Church at deboto nito si Angeline na nagmamay-ari ng life-size statue ng Itim na Nazareno.

SEEN: Ultra violet ang color of 2018 at ito ang kulay ng buhok ni Vice Ganda nang magbalik ito kahapon sa It’s Showtime matapos magbakasyon sa Amerika. Entertaining na uli na panoorin ang It’s Showtime dahil sa pagbabalik ni Vice Ganda.

SCENE: Walang mababasa na negative comments sa mga Instagram post ng celebrity stylist na si Liz Uy na kontrobersyal dahil sa mga ganap sa kanyang personal na buhay. Karapatan ni Liz na burahin ang mga negative comment na magpapahamak sa kanya dahil siya ang may-ari ng social media account niya. Nababalitang nanganak na si Liz na ex din ni John Lloyd Cruz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with