PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kiko nangakong gagawin ang lahat para maging forever sila ni Sharon

Noong Linggo ay nagdiwang ng kanyang ika-limampu’t dalawang kaarawan si Sharon Cuneta sa ASAP. Sa panayam sa Megastar ay naging makahulugan ang bi­nitiwan nitong mensahe tungkol sa asawang si Senador Kiko Pangilinan.

“Kiko, thank you. We’ve been through so much, so very much. We almost lost each other last year. I praise God that the family is together and the children are happy,” emosyonal na pahayag ni Sharon.

Dalawampu’t isang taon nang kasal ngayon ang mag-asawa. Ayon sa senador ay talagang espesyal ang kaarawan ngayong taon ng Megastar base sa post nito sa Instagram. “Happy birthday to my sweetheart of nearly 24 years! This birthday is extra special because it comes at a time when after a period of setbacks, heartaches, pains, after a truly challenging period you have not just survived but have triumphed. I am so proud of you and what you have accomplished knowing the countless treacherous mountains you had to climb and the many horrible dragons you had to slay to do so. I pray for your good health, your safety and protection, your success and most importantly your happiness always. I know everlasting love is not easy and yet here we are still committed to try with all our hearts to make it happen and doing so one day at a time. With God’s grace, love, our love for one another, will conquer all. I will always be here for you cheering on you. Finding ways, day in and day out, to look out for you, to care for you, to make things right with and for you and to love you, dearly, truly, wholeheartedly now, always, forever,” makahulugang mensahe ni Senador Kiko sa aktres.

Sofia masaya sa pagbabati ng mag-amang Cesar at Diego

Nagbigay ng reaksyon si Sofia Andres tungkol sa kontrobersyal na post ng katambal na si Diego Loyzaga kamakailan. Kumalat sa Internet ang umano’y nude photos ng aktor.

Aminado naman si Diego na aksidenteng nai-post niya sa Instagram stories ang tinutukoy na nude video habang nagbabakasyon sa Sweden at marami na diumanong nakapag-screengrab nito.

Agad din namang binura ng aktor ang nasabing post. “I don’t know about that. Kasi hindi ako masyadong ma-social media ngayon so hindi ko nakita. Siyempre nagulat ako, pero hindi ko na siya tini-tease pa about that or sitahin siya. Kasi malaki na siya, alam na niya ang tama at mali,” bungad ni Sofia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Hindi ko siya puwedeng i-judge na na-off ako sa kanya. Sa aming dalawa kasi pinagsasabihan ko siya, pinagsasabihan niya rin ako, so walang judgment,” dagdag ng dalaga.

Samantala, nagkaayos na rin ang mag-amang Diego at Cesar Montano. Naging kontrobersyal ang mga pasaring ng binata sa ama noong isang taon sa social media dahil nagkaroon ng gusot sa pagitan ng dalawa. “I’m so happy kasi based noon sa mga kuwento niya na mayroon nga silang hindi pagkakaintindihan. But I’m really happy na nagkaayos na sila based sa naging kuwento niya. Siyempre iba pa rin ‘yung okay ka sa magulang mo eh, kumpleto,” nakangiting pahayag ni Sofia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: