^

PSN Showbiz

Dennis at Jennylyn nang-iinggit ang lambingan sa beach!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kinilig ang fans sa romantic beach photo nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado dahil feel na feel nila na love talaga ng dalawa ang isa’t isa.

Hindi naman secret ang pagbabakasyon nina Dennis at Jennylyn sa isang beach resort. Ikinuwento ni Dennis sa mga reporter na nakausap niya noong Huwebes  sa presscon ng The One That Got Away na kinabukasan, Biyernes, may out-of-town trip sila ng girlfriend niya.

Sinabi rin ni Dennis na happy siya dahil maraming memories ang ginawa nila ni Jennylyn noong 2017.

Malakas ang kutob ng fans na hahantong na talaga sa kasalan ang relasyon nina Dennis at Jennylyn dahil bukod sa mas mature na sila ngayon, nagbitaw ng salita ang aktor na hindi na niya hahayaan na mawala ang kanyang girlfriend. Para sa dalawa, love is really lovelier the second time around.

Uge hindi na magre-retiro!

Itinanggi ng isang source ang balita na iniisip nang mag-retire ni Eugene Domingo sa showbiz para manirahan nang permanente sa Italy at makasama forever ang kanyang dyowa na si Danilo Bottoni.

Hindi pa raw magreretiro si Eugene dahil may play pa ito na gagawin. Babalik rin daw sa Pilipinas si Danilo para magbakasyon.

Hindi naman kailangan ni Eugene na mag-retire sa showbiz dahil anytime na gusto niya, lumilipad siya sa Italy para dalawin si Danilo.

Ang sabi ng isang malapit kay Eugene, walang reason para magbabu ito sa showbiz dahil okey na okey ang rating ng kanyang Sunday afternoon comedy anthology, ang Dear Uge at choice naman niya na piliin ang mga pelikula na gagawin.

Huling napanood si Eugene sa special participation niya sa Deadma Walking bilang  bida sa isang  black and white na French movie.

Diego inamin ang kumalat na hubad na katawan

Matapang na inamin ni Diego Loyzaga sa presscon ng Mama’s Girl na video at hindi picture ang alleged scandal na ibinibintang sa kanya.

Sa kabila ng correction please ni Diego, tama pa rin ang pralala ng mga intrigero na nude picture niya ang kumalat dahil screenshot na ang pinagpistahan ng mga tao, hindi ang video ng kanyang IG story.

Ang nude photo niya ang isa sa mga isyu na itinanong kay Diego ng mga reporter sa presscon ng upcoming movie ng Regal Entertainment, Inc.

Matapang na umamin si Diego dahil sa totoo lang, walang na-sight sa katawan niya dahil blurred na blurred ang picture as in ka-deny-deny din ito.

Direktor ng Mama’s Girl, hindi baguhan

Sounds familiar sa akin ang pangalan ni Connie Macatuno, ang direktor ng Mama’s Girl, ang opening salvo sa 2018 ng Regal Entertainment, Inc. Pamilyar sa akin ang name ni Connie dahil siya pala ang executive producer noon ng Cristy FerMinute, ang afternoon showbiz talk show noon ni Cristy Fermin sa ABS-CBN.

Matagal nang graduate si Connie sa pagiging executive producer ng mga television show dahil direktor na siya ng mga pelikula at hindi ang Mama’s Girl ang first movie project niya. Si Connie ang direktor ng  Romeo & Juliet, Male Confessions, Paraiso, at Substitute Bride bago ipinagkatiwala sa kanya ng Regal ang pamamahala sa Mama’s Girl.

Bagong limang piso nakakalito

Nakita ko na ang five-peso coin na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas at sure ako na hindi lamang ako ang nalito dahil kasinglaki at kakulay ito ng piso.

Mas type ko pa rin ang size at kulay ng old five peso-coin na malaking-malaki ang pagkakaiba sa piso.

Kung malabo ang mata mo at hindi mo titingnan na mabuti ang bagong limang piso na barya, mapagkakamalan ito na piso kaya mag-expect tayo ng mga reklamo mula sa mga consumer na tulad ko eh nalilito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with