^

PSN Showbiz

Manliligaw ni Erich nasa Top 20 sa pinakamayaman sa Pilipinas!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala pa ring malapit na clue sa identity ng suitor ni Erich Gonzales, ang sabi lang, nasa Top 20 ang family nito among the richest in the country. Hindi raw Chinese at hindi Filipino, kaya simulan na ng mga curious ang pagre-research. Ito pala ang dahilan kaya can afford ang guy na dalawin si Erich gamit ang private plane sa shooting ng Siargao sa Siargao Island.

Ang nasabing suitor ni Erich daw ang rason kung bakit kampante si Toni Gonzaga na hindi totoo ang tsismis sa husband niyang si direk Paul Soriano at Erich dahil alam ni Toni na dumadalaw sa shooting ang manliligaw ni Erich.

Kaya lang, parang hindi nagmamadaling magka-love life si Erich dahil ang sabi, one year pa ang kanyang aantayin bago muling mag-boyfriend. Pero, lu­ma­labas siya kasama ang suitor. In fact, after ng block screening ng Siargao na sponsored ni Kris Aquino at pagkatapos ng merienda sa bahay nina Kris, may dinner si Erich sa guy somewhere in Makati.

Ang simple ni Erich that day, naka-skirt at t-shirt lang at walang make-up. Tinanong siya ni Kris kundi ba siya magpapalit ng damit at mag-aayos? “Hindi” ang sagot ni Erich dahil gusto niyang makita siya ng manliligaw kung ano siya off-cam.

Siguro naman ’pag muling nagka-BF si Erich ay hindi na nito itatago gaya nang ginawa niyang pagtatago sa ex niyang si Anthony Ng na BF ni Arci Muñoz ngayon. Very open si Arci sa relasyon kay Anthony at nasa socmed niya ang pictures nila.

Anyway, mamaya na i-a-announce ang box-office gross ng eight movies sa MMFF, malalaman natin kung tama ang tsikang number three na ang Siargao sa ranking.

 Alden gusto na rin pasukin ang pagpo-produce!

Two-year contract ang pinirmahan ni Alden Ri­chards sa GMA Records and within two years, two albums din ang kanyang gagawin. Kasama rin sa kontrata na gagawa siya ng concert. This year na ilalabas ang una sa dalawang albums ni Alden at wish ng kanyang fans, more Tagalog songs ang isama sa album.

Nasa GMA Records na si Vehnee Saturno kaya baka puwede siyang sumulat ng kanta para kay Alden. Dream din ni Alden na igawa siya ng song ni Ogie Alcasid kaya posible rin naman ito.

Nabanggit din ni Alden sa contract signing na gusto niyang makipag-produce sa GMA Records ng concert. Hindi lang nabanggit kung sariling concert niya ang gusto niyang i-co-produce o concert ng ibang talents ng GMA Artist Center.

Paano kaya kung i-co-produce ni Alden ang concert ni Julie Anne San Jose bilang isa si Julie Anne sa GMAAC talent na nagko-concert? ‘Yun lang, kung mangyari, sa announcement pa lang hanggang matapos ang concert, katakut-takot na bashing kina Alden, GMAAC at kay Julie Anne ang mang­yayari. Kaya ‘wag na lang!

Nadine atat na kay Sarah!

Ang mga kaibigang sina Kia­na Valenciano, Sam Concepcion,  Bret Jackson ang ilan sa guests nina James Reid at Nadine Lustre sa ka­nilang Revolution concert sa Smart Araneta Coliseum sa February 9. Kasama pa rin sina Vice Ganda at Sarah Geronimo at sa presscon, nabang­git ni Nadine na excited na siyang maka-duet si Sarah.

So, hindi lang sina James at Nadine ang magdyowa sa concert dahil magdyowa rin in real life sina Sam at Kiana. Ang ganda siguro kung may production number silang apat na magkakasama.

Nalaman din sa presscon na idea ni Nadine na ‘yung letters e, v, o at l sa title ng concert na Re­vo­­lu­tion ay i-highlight para lumabas na “LOVE” and in fairness, maganda ang naisip ni Nadine.

Ang repertoire sa concert ay tipo ng music na gusto nina James at Nadine, kaya more personal sa kanila ang Revolution na produced ng Viva Live.

Kanta ni Nar naudlot sa pelikula nina Juday at Angelica

In-announce sa presscon ng The One That Got Away (TOTGA) na maglalabas ng Original Sound Track o OST ang show and in fact, eight songs na ang kasama sa album. Ibig sabihin, sagana sa songs ang sexy rom-com na mas magpapaganda sa series at magugustuhan ng viewers.

Siguradong kasama sa album ang Gaga na sinulat at kinanta ni Nar Cabico na kasama rin sa cast ng TOTGA. Bagay ang song sa show dahil pare-parehong luka-luka sa pag-ibig ang mga karakter nina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos. 

Naikwento rin ni Nar na gusto sanang gamitin ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes ang Gaga, pero hindi natuloy. 

Sa January 15, after Kambal Karibal mapapanood ang TOTGA.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with