^

PSN Showbiz

James ginawa ang lahat Nadine mabilis naka-recover sa matinding depresyon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay sa isang paraan na tragic kaya hindi natin masisisi kung nagdaan si Nadine Lustre sa matinding depression.

Ang importante, inamin ni Nadine sa presscon ng Revolution na nakaranas siya ng depression at big help ang kanyang boyfriend na si James Reid para mabilis ang recovery niya.

Lalong kinainggitan si Nadine ng mga kababaihan dahil sa kuwento niya na supportive at loving boyfriend si James na hindi basta nagpapatalo sa stress.

Ideal couple talaga ang dalawa dahil compatible sila sa isa’t isa. Kung mabilis mangarag si Nadine, cool boyfriend naman si James.

Ang Revolution ang pre-Valentine concert nina Nadine at James sa Smart Araneta Coliseum sa February 9.

Ang Viva Live ang producer ng Revolution at happy ang lahat dahil sold out na ang tickets. Ewan ko lang kung magkakaroon ng second night ang Revolution tulad ng nangyari sa R3.0 concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena noong October 21, 2017.

Kasalang Ellen at John Lloyd hintayin na lang natin

Ano ba ‘yan? Parang ako na ang authority sa relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna eh hindi ko naman kasalanan kung ako ang nilalapitan ng mga balita.

Hindi ako maramot kaya may-I-share ko sa readers ng Pilipino Star NGAYON at PM ang mga impormasyon na nakakarating sa akin.

Kung may mga kumukuwestyon sa news ko na magpapakasal sina Ellen at John Lloyd sa susunod na buwan, eh di fine! Aba­ngan na lang natin ang mga susunod na kabanata dahil kasama rin ako sa mga sumusubaybay sa love story nila. Bilib nga ako sa pagpapakatotoo nina John Lloyd at Ellen ‘di  ba?

Pelikula ni Sylvia swak sana sa Mother’s Day

Sa January 17 na pala ang playdate ng Mama’s Girl, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na starring sina Sophia Andres at Sylvia Sanchez.

Sa totoo lang, puwedeng Mother’s Day presentation ng Regal ang Mama’s Girl pero sure ako na may sariling dahilan si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle sa desisyon nila na gawin na opening salvo sa 2018 ang pelikula nina Sophia at Sylvia.

Kahit Sabado kahapon, nagpatawag ng presscon sina Mother at Roselle para sa Mama’s Girl na important movie kay Sylvia dahil pagkatapos magbida sa mga teleserye, lead actress na siya sa pelikula.

MMFF huling araw na, Hollywood movies balik sa dating gawi

Ngayon ang last day ng 43rd Metro Manila Film Festival kaya simula bukas, mapapanood na sa mga sinehan ang mga inaabangan na Hollywood movies.

May chance pa ang mga tao na panoorin ang walong pelikula ng MMFF 2017 dahil siguradong mawawala na bukas sa mga sinehan ang mga pelikula na hindi masyadong tinangkilik ng moviegoers.

Tiyak na extended ang showing ng mga pelikula nina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto dahil sila ang Top 3 sa MMFF 2017 box office race.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with