^

PSN Showbiz

Barbie nakahanap ng true love!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong Sabado (Enero 6) sa Magpakailanman, tungha­yan ang isang siksik, liglig, at nag-uumapaw sa aral na kuwento ni Dang, isang dalagang pinagkaitan ng kaseksihan.

Itinatampok sa episode na pinamagatang Tinimbang Ka Ngunit Sobra: The Melinda Mara Story ang award-winning actress na si Barbie Forteza bilang Dang/Melinda.

Makakasama rin niya sina Jak Roberto, She­rilyn Reyes, Robert Ortega, Stephanie Sol, Lucho Ayala, Eunice Lagusad, Angel Satsumi, Althea Ablan, at Bruce Roeland.

Si Dang ay isang dalagang pinagkaitan ng ka­sek­sihan. Lumolobo sa laki at halos makasira ng tim­bangan dahil sa kabigatan. Palagi pa siyang nai­ku­kumpara sa kanyang maganda at seksing kapatid. Kaya bumaba ang kumpiyansa niya sa sarili at pati sa kanyang lovelife, hindi siya nagwawagi.

Noong nag-college na si Dang, feeling niya ay natagpuan na niya ang kanyang ‘the one’. Kaya more push siya sa ka-sweet-an at pakikipaglambingan kahit hindi naman sila ng love of her life na si Adrian. Pero kapag umamin kaya siya ng true feelings niya, sasa­luhin kaya siya ni Adrian sa kabila ng kan­yang timbang? Pa-fall nga ba si Adrian o sadyang assumera lang si Dang?

Abangan lahat ng ‘yan, pati na ang mga challenge na nagpatatag kay Dang at gina­wa niyang tuntungan para baguhin ang kanyang sarili. Anu-ano kaya ang mga aral niyang natutunan mula sa mga kabiguang ito at sa kanyang dambuhalang pagbabago? Mata­tagpuan pa nga ba niya ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya at tatanggap sa kanyang pagkatao?

Mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, huwag palampasin ngayong Sabado ang Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with