^

PSN Showbiz

Kisses dalawa ang magiging ka-loveteam!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Akala ng lahat ay katapusan na ng pag-aartista ni Kisses Delavin, isa sa apat na produkto ng Pinoy Big Bro­ther (PBB) na matagumpay na nakalabas ng Bahay ni Kuya. Ginawa siyang ka-loveteam ni Marco Gallo ng ABS-CBN samantalang sina Maymay Entrata at Edward Barber naman ang bumuo ng ika­lawang pareha.

Naghiwalay na sina Kisses at Marco matapos ang hindi pagkaka­intindihan habang patuloy sa ka­ni­lang quest for stardom ang MayWard.

Nasorpresa ang lahat nang ia­nunsyo ng Kapamil­ya Network ang mga plano nito para sa 2018. Kasama rito ang paglulunsad sa mga ka­rera nina Kisses, Tony Labrusca na nagpamalas ng potensyal sa pag-arte sa La Luna Sangre, at ang MYX VJ na si Donny Pangili­nan na hindi pa man nagsisimula ng kanyang pag-aartista ay mabilis ang pag­laki ng bilang ng mga sumusuporta.

Hindi pa malinaw kung kanino kina Tony at Donny mapupunta ang PBB grad, pero balak yatang gawin silang love triangle.

Barbie at Jak masusubukan

Sana’y  maging matagumpay sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa pagkakataon na ibinigay sa kanila ng GMA para magkasama o magkatambal sa isang episode ng Magpa­kailaman. Kapag nagtagum­pay sila ay baka maging simula na ito ng marami pagpagpapareha at baka tuluyan na rin silang payagan na ilantad ang kanilang relasyon.

Ang nangyayari kasi ngayon ay kaila­ngang chill muna sila sa kanilang relasyon kapag may project si Barbie with another leading man. Parang hinihintay pa ng network na matanggap ng publiko ang kanilang relasyon bago sila payagang makitang magkasama o very sweet sa isa’t isa sa mga okasyong  pinupuntahan nila.

Larawan at Deadma Walking bumabawi

Maituturing na pinakamatagum­pay ang malapit nang magwakas na pagdaraos ng Metro Manila Film Fes­tival (MMFF) 2017. Matapos ang sumandaliang pagkawala sa mga si­ne­han ng ilang pelikula, kumpleto na naman ang walong entry at mas kumikita pa ang mga nawalang movies kaysa nung unang ipalabas ang mga ito. Naka­kabawi na sila at malaki nga ang pasasalamat ng mga producer ng Ang Larawan at  Deadma Walking dahil sa pangalawang tsansa na maipalabas sila. Mas appreciated ng masa ang mga pelikula nila ngayon.

Ipinagpapasalamat din nila ang hindi paglalabas ng MMFF ng mga nangungunang pelikula sa takilya dahil na­big­yan sila ng equal footing sa box-office, awards at support ng manonood.

Erich naka-jackpot kay Kris

Ang suwerte ni Erich Gonzales sa pagkakaroon  ng isang kaibigan sa katauhan ni Kris Aquino. With a friend like the former presidential daughter and sister, hindi kataka-taka kung hindi agad hangarin ni Erich na mapalitan si Daniel Matsunaga.

Nagpa-block screening ito ng Siargao at may nakatakda pa para sa movie niya with Lovi Poe and Tom Rodriguez na The Significant Other. 

At sa malas ay mas excited pa at proud si Kris sa takbo ng lovelife niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with