^

PSN Showbiz

Julie Anne totodo na sa pagpapa-sexy!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ganda-gandahan lang si Julie Anne San Jose sa kanyang bagong music video para sa single niyang Nothing Left na iri-release na sa Jan­uary 22 under Universal Records. Ang laki kasi ng ipinayat niya at na-maintain ang magandang hubog ng katawan.

Sexy-seksihan din kaya si Julie Anne sa solo concert niyang #Julie na gaganapin sa Music Museum sa Jan­uary 27?

Pero bago ‘yan, magiging bahagi si Julie Anne ng 3 Stars and 1 Heart concert kasama sina Regine Velasquez at Christian Bautista na gaganapin naman sa Waterfront Cebu.

Pagkatapos niyan ay magiging abala na siya sa promo ng bagong single niyang Nothing Left at diretso sa solo concert.

Kaya ngayong buwan ay focus muna ang Asia’s Pop Princess sa kanyang music career, bukod sa kanyang Sunday PinaSaya tuwing Linggo.

PAK: Malapit nang matapos ang Metro Manila Film Festival (MMFF), pero hindi pa pala napanood ni Dennis Trillo ang pelikulang All of You na pinagbibidahan ng kasintahan niyang si Jennylyn Mercado.

Wala ba siyang balak na panoorin ito? Hindi ba niya kaka­yaning panoorin ang mga daring scene nina Jennylyn at Derek Ramsay?

“Hindi naman,” mabilis na sagot ni Dennis sa presscon ng bagong sexy romcom series niyang The One That Got Away.

Sinasabi naman ni Jennylyn noon na hindi raw pinapanood ni Dennis ang mga pelikula niya. May sariling dahilan siya roon, pero nilinaw naman ng Kapuso Drama King na nandun ang suporta niya sa kasintahan at naiintindihan naman daw niya ang trabaho ni Jennylyn.

“Nandun palagi ‘yung suporta ko sa kanya. Hindi ko man mapanood, siguro may ma-miss ako, pero lagi akong nakasuporta sa kanya,” pahayag ni Dennis.

Si Jennylyn naman ay suportado rin ang pro­jects ni Dennis, kagaya nitong The One That Got Away na may sexy scenes ang aktor kasama sina Lovi Poe, Max Collins, at Rhian Ramos.

Sa January 15 na magsisi­mula ang TOTGA sa GMA Telebabad pagkatapos ng Kambal Karibal.

BOOM: Gulat na gulat si direk Maryo J. delos Reyes nang makausap namin sa telepono kahapon ng umaga dahil sa ibinalita naming nahulihan ng droga ang alaga niyang si Robin Robel na miyembro ng Masculados.

Ayon sa nakalap naming balita mula sa Taguig Police Headquarters, bandang 1:30 ng madaling araw kahapon habang nagsasagawa ng SACLEO o Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement at Oplan Sita sa MLQ Avenue, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, ay nama­taan daw nila ang isang kotseng nakahinto na naka-blinker. May dumating daw na isang taong nakahubad at may iniabot sa nasa loob na si Robin kasama ang isang nagnga­ngalang Rodel Isaac na taga-Payatas, Quezon City.

Doon nila na-recover ang dalawang sachet na naglalaman ng suspected shabu na may timbang na humigit kumulang 2.4 grams.

Nagpakilala pa raw si Robin na miyembro ng Masculados, pero hinuli pa rin siya ng mga pulis, at as of presstime naka-detain for inquest si Robin.

Hindi pa raw ito nakausap ni direk Maryo si Ro­bin, at aalamin pa raw niya ang buong katotohanan.

Hindi pa raw sila nagkakausap lately dahil kapag walang schedule daw ang Masculados, nag­li-leave raw muna si Robin para mag-Uber driver.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with