^

PSN Showbiz

Male singer hindi pa tanggap na laos na!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag nagkakaroon pala ng reunion ang mga bete­ranong singers na sumikat nang todo nu’ng kanilang panahon ay may isang male singer na iniiwasang makatabi ng kanyang mga kasamahan.

Hindi siya iniiwasan dahil mabaho siya, malinis sa katawan ang male singer, pero may kakaiba siyang katangian na hindi nagugustuhan ng kanyang mga kapwa singers.

Makulit ang lalaking performer. Mahilig siya sa debate. Kahit anong paksa lang ay gusto niyang nakikipagtalo sa kanyang mga kasamahan.

Sabi ng isang source, “Hindi pa naman siya nag-uulyanin, malayo pang mangyari ‘yun sa age niya, pero parang ganu’n na rin dahil napakakulit niya at mahilig siyang makipagdebate.

“Kahit wala namang kabagay-bagay, e, nakikipagtalo siya, palagi niyang kinokontra ang mga kasamahan niya, kaya iniiwasan siyang makatabi ng ibang mga singers.

“Nu’ng kasikatan kasi niya at ng mga songs niya, e, nasanay na siyang sinasang-ayunan ng mga kausap niya. Bihira lang ang kumokontra sa kanya, kaya hanggang ngayon, e, dala-dala pa rin niya ang ugali niya!

“Siya ang palaging tama, siya ang palaging bida, kailangang siya ang palaging panalo sa pakikipag-argumento niya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Kaso, iba na nga ang panahon ngayon, hindi na siya ang male singer na napakabenta sa mga shows at talagang nagkapera dahil sa lakas ng benta ng kanyang mga album.

Sabi naman ng isa pang miron, “Nabubuhay kasi siya sa nakaraan, hindi siya maka-move on. Nu’ng time kasing sikat na sikat siya, e, sa kanya naka-focus ang mga camera.

“Pero hindi na ganu’n ang sitwasyon ngayon, napakarami nang singers na sumikat, tapos na ang panahon niya, naririnig pa rin ang mga songs niya, pero nire-revive na lang ng mga contemporary singers.

“Kailangan niyang tanggapin na marami nang pumalit na magagaling na singers ngayon, mga batambata at hindi tulad niyang wrangler na, dapat niyang tanggapin na tumatanda na siya.

“Saka tama na ang pakikipagtalo, huwag na siyang nakikipag-argumento, baka kasi isipin ng mga kasamahan niya na nag-uulyanin na siya at kailangan na niyang maupo na lang sa silyang tumba-tumba.

“Walang forever. Wala ring sumisikat eternally. Ganu’n lang ‘yun. Tanggapin niya dapat ang katotohanan na napakalayo na ng itinakbo ng panahon,” makabuluhang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kelan aamin? Julia nagsawa sa pagiging seloso ni Coco

Isang kaibigan ang tumawag sa amin. Tungkol kina Coco Martin at Julia Montes ang pinag-usapan namin. Madalas kasing ma-blind item nu’n na selosong boyfriend daw ang magaling na action star.

Hindi raw puwedeng tumanggap ng proyektong may mga yakapan at halikan si Julia. Ayaw raw ni Coco. Ganu’n daw binabakuran ng matagumpay na action star ang career ng kanyang girlfriend.

Ang tanong, umamin na ba sina Coco at Julia na sila na nga? Hindi ba’t palaging napapabalitang hiwalay na sila pero hindi pa naman sila umaamin na nagkaroon sila ng relasyon?

Pagpansin ng aming kausap, “Siguro nga, e, tapos na ang relasyon nila. Sa napapanood ko kasing teaser ng bagong show ni Julia sa Dos, e, meron na siyang mga eksenang nakikipaghalikan siya. Di ba, ‘yun ang ayaw na ayaw ni Coco?

“Hindi kaya masyado nang nasakal ang girl sa sobrang pagiging seloso ni Coco? Masarap ‘yung feeling na mahal na mahal ka ng boyfriend mo, pero kung sobra ka nang nasasakal, hindi na healthy ‘yun sa isang relasyon,” komento ng aming kaibigan.

Puwede. Pero ang tanong, umamin naman kaya sina Coco at Julia na sila pa rin o tapos na ang kanilang relasyon, hindi ba’t palagi silang umiiwas sa mga ganu’ng tanong?

Kung ang pagbabasihan ay ang teaser ng Asintado kung saan makikitang nakikipagyakapan at nakikipaghalikan ang aktres ay puwede ngang isipin na tapos na ang kanilang relasyon ni Coco Martin.

O baka naman pinagkasunduan nilang puwede nang gumawa ng mga ganu’ng eksena si Julia? Hindi rin malayong ganu’n nga ang kanilang kasunduan pero sila pa rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with