^

PSN Showbiz

Robi aminadong hindi bagay kay Sandara!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mula nang magkahiwalay sina Robi Domingo at Gretchen Ho bilang magkasintahan noong isang taon ay hindi na natigil ang usap-usapan na pagkakaroon diumano ng espesyal na ugnayan ang aktor at Sandara Park.

“Hindi naman, wala namang nagyayaring gano’n. We’re good friends talaga. Whenever she’s here, bumibisita lahat ng mga kaibigan niya. At kapag pumupunta naman kami sa Korea, nag-uusap din kami, kasama ng ibang mga kaibigan. She’s a nice person,” nakangiting pahayag ni Robi sa Magandang Buhay noong Huwebes.

Para sa aktor ay hindi siya ang lala­king nararapat na mahalin ng Korean star. “What Sandara deserves is a perfect guy kasi perfect girl siya. I’m not perfect, I try to be the perfect version of myself lang,” makahulugang pahayag ng binata.

Tumagal ng apat na taon ang relasyon nina Robi at Gretchen kaya maraming mga bagay daw ang natutunan ang aktor tungkol sa pag-ibig.

Kylie sasabak sa acting workshop

Nakatambal ni Kylie Verzosa si Coco Martin sa pelikulang  Ang Panday at nag-enjoy daw ang dalaga sa kauna-unahang malaking proyekto na kanyang nagawa. “Super saya ko po and super thankful po na part ako ng movie. Especially nandoon sina Coco Martin, Mariel (de Leon) at Jake Cuenca,” nakangiting bungad ni Kylie. 

Ngayong tapos na ang gampanin ng beauty queen bilang Miss International 2016 ay nais na raw nitong ipagpatuloy ang pag-aartista. “Parang pinokus ko ‘yung trabaho ko sa pagiging Miss International, ‘yung pagbi-build ng brand nila. Kaya this year gusto ko po sana na ako naman ‘yung i-focus ko,” pahayag ng dalaga.

Gusto ni Kylie na ma­ging magaling na aktres kaya plano na niyang sumabak sa mga acting workshops. “’Yon ang gusto ko. Kaya lang po s­iyempre hindi po natin maiwasan na makita ng mga tao ‘yung pag-grow mo, pag-evolve mo. Siguro ‘yun po ‘yung isa sa kinatatakutan,” pagbabahagi ng dalaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with