Gladys at Christopher pakakasal uli!
Sa mga alaga ko, hindi lang si Michelle Ortega ang magpapakasal ngayong January 2018 dahil magkakaroon din ng renewal of vows ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa Iglesia Ni Cristo sa locale ng Tagaytay.
Twenty-five years na ang relasyon nina Gladys at Christopher dahil isinama nila sa bilang ang araw na nag-umpisa ang kanilang love affair noong mga bagets pa sila.
Maipagmamalaki ko na matatag ang pagsasama at pagmamahalan nina Gladys at Christopher na pinatunayan sa lahat na totoo na may forever. Role models ang mag-asawa ng mga kabataan dahil kahit parehong mga artista, napanatili nila na matibay ang relasyon nila.
Apat na ang anak nina Gladys at Christopher na pare-parehong pang-showbiz ang mga hitsura. May special participation ang apat na bagets sa renewal of vows ng kanilang mga magulang.
Ang panganay na si Gian Christophe ang best man, maid of honor ang one and only daughter na si Aquisha at ring bearers ang future heartthrobs na sina Grant at Gavin. Silver at mint ang color motif ng renewal of vows nina Gladys at Christopher.
Dennis natulungan ni Jennylyn na paghandaan sina Lovi, Max, at Rhian
Ang laki ng cast ng The One That Got Away ng GMA 7 ‘ha?
Mga bida sa bagong primetime teleserye ng Kapuso Network na magsisimula sa January 15 sina Lovi Poe, Max Collins, Rhian Ramos, at Dennis Trillo.
Starring din sa The One That Got Away sina Snooky Serna, Bembol Roco, Migo Adecer, Ivan Dorschner, Jason Abalos, Jason Francisco, Ervic Vijandre, at ang mga baguhang artista ng GMA 7.
Ang sabi ni Dennis, pinaghandaan niya ang role sa That One That Got Away dahil naggagandahan at nagseseksihan ang leading ladies niya.
Napansin kasi ng entertainment press na poging-pogi si Dennis sa press launch ng The One That Got Away at ‘yun nga ang sagot niya, naghanda siya nang husto para sa kanyang karakter.
Siyempre, nakatulong din kay Dennis ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ni Jennylyn Mercado.
Open na si Dennis sa pagkukuwento sa mga reporter tungkol sa love affair nila ni Jennylyn na mas matatag ngayon dahil nag-mature na sila.
Dennis wishing na magkasama sila ni Jennylyn sa pelikula
Hindi pa napapanood ni Dennis ang All of You, ang filmfest movie nina Jennylyn at Derek Ramsay.
Alam ni Dennis na may mga block screening ang fans ni Jennylyn para sa All of You pero hindi siya umaapir dahil ayaw niya na mang-agaw ng eksena. Hindi raw siya ang tipo na gustong magpa-star palagi. Marami ang nagsasabi na bagay rin kay Dennis ang role ni Derek sa All of You. Nanalo si Derek na Best Actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 dahil sa acting niya sa pelikula.
Hindi pa nabibigyan sina Dennis at Jennylyn ng chance na magsama sa pelikula. Hoping si Dennis na one of these days, magkakaroon sila ni Jennylyn ng movie project together.
Sumulpot na manghuhula recycle at antigo na ang mga hula
Nagkamali ako ng pralala na nagpahinga na ang mga manghuhula sa pagbibigay ng mga prediction sa showbiz sa pagpasok ng 2018.
Isang manghuhula na hindi ko na babanggitin ang name ang naglabas ng kanyang mga hula na isang veteran actor ang matsutsugi, may showbiz couple na maghihiwalay, may aktor na magpapakasal at may aktres na mabubuntis.
Nakakaloka ang very generic na hula ng manghuhula na baka hinangaan pa kung nagbigay siya ng mga pangalan. Ewan ko lang kung mahuhulaan ng manghuhula na siya ang tinutukoy ko dahil sure ako na hindi nga niya nahulaan kung sino ang mga celebrity na subject ng kanyang mga ni-recycle at antigo na hula.
- Latest