^

PSN Showbiz

Celebrity stylist na si Liz controversial ang panganganak?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Celebrity stylist na si Liz controversial ang panganganak?!

Liz Uy

Negosyanteng mayaman na kaibigan at may sabit daw ang ama

May anak na pala ang It Girl na si Liz Uy.

Kuwento ng super reliable source, nabuntis at nanganak na ito kaya pansamantalang naging inactive sa mga sosyalan. Isa rin siya sa na-missed sa kasalan nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Switzerland last November.

Sa Amerika raw ito naglagi nung time na lumalaki na ang tiyan nito hanggang makapanganak.

Pero controversial ang kuwento. Diumano ay married ang karelasyon ni Ms. Liz. Doktora ang misis at naging isa sa The Outstanding Young Men and Women (TOYM) awardee, si Dra. Geraldine Zamora Racaza. At ito pa, bestfriend pa raw ng isa ring It Girl na si Georgina Wilson si Dra. Racaza. Actually, maraming kaibigang celebs and politicians si Dra. Ging ayon pa sa source. Isa nga rito si Representative Em Aglipay Villar at kasama ito nang mag-launch ng World Lupus Day nung May. High profile si doktora at kung bibisitahin ang Instagram account, sexy at maganda siya.

Anyway, ka-circle of friends pa raw ng It Girls si Mr. Raymond Racaza of Xurpas (IT company) na developer ng mga game apps nina Anne Curtis and Kuya Kim Atienza na sinasabi ngang ama ng anak ni Ms. Liz.

Dagdag ng source, ngayon ay hiwalay na ang mag-asawa at matindi nga ang naging galit ng doktora kay Ms. Liz dahil ang buong akala raw nito ay magkakaibigan lang sila ng kanyang mister.

Ang naunang press release ni Ms. Liz bago siya nag-lay low ay ang modeling career niya sa Amerika kung saan umano’y hina-handle siya ng isang agency.

Base sa kanyang Instagram post last Christmas, bumalik na sa dating katawan ang celebrity stylist at parang walang naganap.

May nai-post na photo si Georgina before Christmas na may hawak na bata si Liz Uy, pero agad itong nabura.

Bukas ang pahinang ito sakaling gustong magbigay ng paglilinaw ng mga nabanggit na personalidad.

John Lloyd with Ellen and family

Anak magiging legitimate na kasalang John Lloyd at Ellen sa beach plantsado na?!

Plantsado na raw ang kasalang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ayon sa isang tumawag na taga-Cebu kay Nay Lolit Solis.

Nakipag-usap na raw ang ikakasal sa caterer at florist sa kasalang magaganap sa beach front sa Cebu.

Pero walang banggit ang nasabing source ni Nay Lolit kung sa Shangri-La Cebu ito.

Basta raw handa na ang lahat pero ayaw i-reveal ng kausap niya ang petsa ng kasalan.

Pero soon daw, either last week of this month o first week of February.

So hindi na nga ba magi­ging illegitimate ang sinasabing magiging anak ni Ellen na ang ama umano ay ang aktor na kasalukuyang naka-showbiz break?

Anyway, nauna nang nag-post ang sexy actress ng ‘fambam’ photo nila with John Lloyd. Sa nasabing post niya rin inamin in Visaya na nang Tagalugin ay “Hindi ba? Sinong mag-aakala na magiging kami?” 

Naging big deal sa social media ang nasabing statement niya dahil ito ang unang beses na nagsabi siya ng tungkol sa relasyon nila ng aktor kahit nakikita sa social media na may nangyayari nga sa kanila.

In all fairness, parang international celeb sila sa rami nang nagkakainteres sa relasyon nilang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with