^

PSN Showbiz

Aktor na dating magbubukid lang, mga branded na ang isinusuot ngayon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maluho sa kapritso ang isang kilalang male personality. Makahawak lang siya ng pera ay agad na siyang bibili ng mga branded stuff para makahabol sa kung anumang meron ang kanyang mga kapwa artista.

Pero nu’n ‘yun. Ngayon ay siya ang nireregaluhan ng mga pinapangarap niyang kagamitan. Mabenta sa merkado ng mga beki ang guwapong male personality.

Kuwento ng aming source, “Magaling ang lalaking ‘yun, sinasadya niya ang pagiging mukhang suplado, para parang hard to get ang dating niya. Kunwari, e, mailap siya, kunwari, e, hindi siya magpapakuha, pero may katapat ang pagiging aloof niya.

“Shopping lang ang katapat nu’n. Kapag nakahawak na siya ng pera, para na siyang trumpong hindi mapakali sa kaiikot sa mga sosyal na mall.

“Palibhasa, e, hindi naman siya nakatikim ng mga branded na gamit dahil hindi siya anak-mayaman, mahirap lang ang pamilya nila sa probinsiya, kaya konting kibot lang, shopping na agad ang nasa utak niya,” pagpapakilala ng aming impormante sa guwapong male personality.

Guwapo naman kasi talaga ang lalaking ito, maganda rin ang bulto ng kanyang katawan, kaya sinong beki ang hindi mag-iipon para lang siya makasama nang panandalian?

Balik-kuwento ng aming source, “Alam na alam ng mga Boogie Wonderland kapag may gusto siyang bilhin. Meron siguro ang mga kapwa niya artista, kaya gusto rin niyang makiuso.

 “Siya ang tumatawag sa mga Boogie Wonderland, siya ang nagpapahanap ng booking, siya ang nangangalampag para magkadatung siya! Hindi na siya nahihiya, wala nang paliguy-ligoy pa, kailangan niya ng datung!

“Malaki-laki rin naman ang talent fee niya, hindi pa siya binabarat dahil hindi pa naman bagsak ang body niya at guwapo siya talaga! ‘Yun ang dahilan kung bakit mula ulo hanggang paa, e, nakikipagsabayan siya sa pagsusuot ng mga mamahaling stuff,” napapailing pang kuwento ng aming impormante.

Dati’y sa bukid lang nakadestino ang guwapong aktor na ito. Nangi­ngisda rin siya, palaging nakabilad sa araw, pero nang mabihisan na siya ay lumutang ang kanyang kaguwapuhan.

 “Naku, madaling tumbukin kung sino siya, sa totoo lang, napakaigsi lang ng name niya, sobrang igsi!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga sinabi ni Claudine tungkol kay Mark, fake news?!

Isang malaking fake news ang kumakalat na balitang may mga ginalaw na babaeng pulis si Mark Anthony Fernandez na nagdadalantao na ngayon.

Imposible rin ang balita na si Claudine Barretto pa mismo ang kumumpirma sa balita dahil ipinagtapat diumano sa aktres ni Mark ang kanyang ginawa. Mas posible pa sigurong makausap ng aktres ang kaluluwa ni Rico Yan kesa kay Mark Anthony.

Halatadong kuwentong-kutsero lang ang balita, hindi nangyari, meron lang sigurong isang walang magawang nilalang d’yan na nagpakalat ng istoryang mahirap paniwalaan.

Sana’y makabalik na sa pag-arte si Mark Anthony, marami siyang kailangang bawiin, mahaba-haba ring panahon ang nabawas sa kanyang career dahil sa pagkakulong niya nang mahigit na isang taon.

At sana nga, sa kanyang pagbabalik ay itapon na niya ang mga dahilan kung bakit nauwi sa matinding indulto ang kanyang buhay at career, mabuti nga at bata pa siya nang makatanggap siya ng ganu’ng paghamon.

Mahaba pa ang mga panahon para makabawi siya, makahahabol pa siya sa pagkakataong nasayang, dahil sa pagbibisyo. Magaling pa namang umarte si Mark, may kakambal na talento ang kanyang itsura, kaya hindi imposibleng maipagpatuloy pa niya ang pag-aartista.

Masuwerte si Mark Anthony dahil nang masuong siya sa problema ay may pamilya siyang nakasuporta sa kanya. Mga otoridad mismo ang nagpapatunay na kapag puno ng pagmamahal ang mga bilanggo ay mabilis na nakalalaya.

Hindi sila iritado sa loob, nagpapakabait sila, na nagiging kunsiderasyon para mabilis silang makalabas. ‘Yun ang ipina­kita kay Mark Anthony nina Alma Moreno at Lorna Tolentino na nagturing na ring sariling anak sa aktor, nand’yan pa ang kanyang mga kapatid at pinsan na madalas siyang dinadalaw.

Marami nang naghihintay sa pagharap uli sa mga camera ni Mark Anthony. Kayang-kaya niya pa ring ulitin ang naipakita na niya. Nasa kanyang dugo ang pag-aartista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with