Freddie Aguilar, sa mga aLaala nanghihinayang!
Totoo ang kasabihan na mas mabuti pa ang manakawan kesa masunugan dahil kapag nanakawan ka, mapapalitan pa ang mga gamit o pera na nawala.
Totoo ang sinabi ni Freddie Aguilar na more than the money, mas masakit kapag ang memories ang nasunog tulad ng mga picture, trophies, orig na mga CD, at gamit niya.
Totoo ang nabasa ko na minsan, una raw inililigtas sa sunog ang mga picture dahil hindi na ito mapapalitan, pero ngayon nakaimbak sa Facebook ang mga litrato na puwedeng ipakopya kapag nawala na isa sa mga advantage ng social media at modern technology.
Madali naman na mapapalitan ni Ka Freddie ang mga gamit niya na nasunog. Mabuti na lang, hindi nasaktan ang kanyang misis na buntis pero tumalon mula sa balcony para makaligtas. Thank God, hindi siya nasaktan.
Mahirap talaga kapag may mga nangyayari na aksidente kaya dobleng ingat ang dapat gawin.
Nakatira kami ni Ka Freddie sa isang subdivision sa Fairview kaya nabalitaan ko agad ang nangyari sa kanya.
BB walang suwerte sa US!
I-wish natin na matupad ang dream ni BB Gandanghari na magkaroon ng showbiz career sa Hollywood, kahit inamin niya na nahihirapan siya dahil may discrimination pa rin sa transgender women.
Hindi madali na mangyari ang Hollywood dream ni BB dahil matindi ang kumpetisyon. I’m sure, isa lamang siya sa libu-libong transgender women na nag-aambisyon na mapansin at magkaroon ng showbiz career sa USA.
Natatandaan ko ang kuwento ng first Pinoy transsexual woman na si Donita Gold na nangarap noon na maging artista sa Hollywood. Natupad naman ang dream ni Donita dahil napasali siya sa mga stage play sa Amerika pero short-lived ang kanyang showbiz career.
Umuwi ng Pilipinas si Donita para subukan na magkaroon ng showbiz career sa sariling bansa pero hanggang mga showbiz talk show lamang ang mga guesting niya. Hindi siya nabigyan ng chance na umapir sa mga pelikula at teleserye.
Masuwerte pa nga si BB noong nandito pa ito sa Pilipinas dahil nabigyan siya ng mga television show na transgender woman ang role. At least, hindi nakaranas si BB ng discrimination sa local showbiz.
Kung hindi siguro sinubukan ni BB ang kapalaran niya sa US, baka hanggang ngayon, active pa rin siya sa local entertainment industry dahil siguradong may mga role na babagay sa kanya. Hindi rin natin dapat kalimutan na isang Padilla pa rin si BB, kahit nagpalit siya ng pangalan.
Mark tahimik sa dalawang pulis daw na nabuntis
Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung true ang tsismis na dalawang babae ang nabuntis ni Mark Anthony Fernandez habang nakakulong siya sa Pampanga Provincial Jail.
Hindi pa kami nagkikita at nagkakausap ni Mark kaya clueless ako sa mga ganap sa buhay niya. Paniniwalaan ko lang ang tsismis kung mismong si Mark ang magko-confirm o magde-deny.
Basta ang mahalaga sa ngayon, malaya na si Mark at nabigyan ng chance na makapagbagong-buhay. Ngayong January ang birth month ni Mark at ang magkaroon na uli siya ng regular television show ang isa sa mga birthday wish ko sa kanya dahil alam ko na sa kabila ng mga pagkukulang niya, mahal na mahal ng inaanak ko ang kanyang propesyon.
- Latest