^

PSN Showbiz

Direk Paul ayaw idirek si Toni!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Direk Paul ayaw idirek si Toni!

Direk Paul Soriano

Siargao isasali sa mga International Filmfest, sinehan mas dumami na

Palabas na sa 150 theaters ang pelikulang Siargao. Nagsimula sila sa 50 nung opening day at nadagdagan nang nadagdagan pagkatapos ng MMFF Awards Night kung saan nanalo ang pelikula ng seven major awards. Kabilang dito ang Second Best Picture, Best Director (Direk Paul Soriano), Best Supporting Actress (Jasmine Curtis Smith), Best Editor (Mark Victor), Best Cinemato­graphy, Best Original Theme Song (Alon) and Best Sound.

Pinagbibidahan ang Siargao nina Erich Gonzales and Jericho Rosales.

Aminado si Direk Paul na kahit sa mismong lugar sa Mindanao ay iisa ang sinehan nila noong umpisa ng MMFF pero dahil sa magandang feedback at sa mga award, dumami ang nagkainteres sa movie.

Ngayon ay balak nila itong dalhin sa bawat barangay sa Siargao para mapanood ng mga tagaroon, for free. Naka-schedule na rin ang international screenings at nakikipag-usap na sila para sa mga sasalihang international film festival.

Pero ayaw kumpirmahin ni Direk Paul na humarap kahapon sa ilang entertainment press kung sila na nga ang no. 3. “Ang MMFF lang ang puwedeng magsabi,” sagot niya kahapon sa thanksgiving presscon.

Ito ang first venture ni Direk Paul sa MMFF kaya hindi niyang inasahang maghahakot ng awards sa Gabi ng Parangal at ngayon nga ay kumikita pa.

Toni Gonzaga

Originally ay sa summer ang showing ng movie na nakasentro sa kagandahan ng Siargao at sinubukan lang nilang i-sumbit sa festival. October pa lang ay tapos na sila kaya nang marinig ng kanyang film production na finished product ang hinahanap, isinabmit nila.

May business si Direk Paul sa Siargao, ang Harana Bar, kung saan kinunan ang karamihan sa mga eksena na napanood sa movie.

Almost three years ago nang mabili niya ang property kasama ang dalawang kaibigan.

Anyway, kasama naman sa mga project ni Direk Paul ngayong 2018 ang movie for his wife Toni Gonzaga at sister nitong si Alex. Producer lang ang magiging papel niya. Iniiwasan niyang idirek ang misis. Baka madala pa sa set ang personal nilang buhay at magkaroon pa ng conflict.

Siya rin ang director ng Aga Muhlach-Bea Alonzo movie na middle of this year pa ang simula.

Samantala, consistent si Direk Paul sa pagiging unaffected sa issue sa kanila ni Erich. Hindi nila pinapansin ni Toni ang mga isyu dahil alam naman daw nila ang totoo. Mas gusto pa nilang laruin ang little boy nilang anak na si Seve. “We ignore them because we know the truth,” sabi ni Direk Paul.

Nung isang araw lang ay may sinagot na basher si Kris Aquino nang sabihan na kabit si Erich ni Direk Paul. Tinawag itong fake news ni Kris. Itinuturing na pamilya ni Kris si Erich at inaanak naman nito sa kasal sina Paul and Toni.

MMFF last three days na

Tatlong araw na lang at opisyal nang magtatapos ang MMFF 2017.

Lumikha ng ingay ang walong pelikulang kasali bagamat may ilang tuluyang inisnab ng mga manonood.

Ini-encourage ng MMFF officials na samantalahin ang natitirang araw sa panonood ng mga pelikula.

Three days before the end of the Metro Manila Film Festival, and we are happy to say that more and more people are watching films in the MMFF. 

“We are grateful that people have gone back to the theaters to watch Filipino films once again, and the traditional audiences during the Holidays like kids and families are reinforced by the millennials and working class who have supported not just one or two but more and more films in the festival. 

“As noticed by some sectors, there has been a harmonious arrangement made and agreed upon by the MMFF Execom, cinema owners and  producers  to give additional theaters to films without major studio backing. 

“This year’s MMFF has proven that we need not sow hate to produce good results. All the systems worked well because there was goodwill and understan­ding among the stakeholders. 

“Again, we have 3 more days to go - let us maximize our support to all the MMFF entries,” ang padalang statement ng spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer.

Ang hinihintay ng mga taga-showbiz ay ang kinita ng festival.

Ayon sa isang source, almost a billion na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with