PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Komprontasyon nina Jerome at Nash pumalo ng all-time high rating

MANILA, Philippines — Malaking pasabog ang inihain ng The Good Son sa pagtatapos ng 2017 kaya naman nagtala ang serye ng panibagong all-time high na national TV rating matapos tutukan ng mga manonood sa buong bansa ang mainit na komprontasyon sa pagitan nina Enzo (Jerome Ponce) at Calvin (Nash Aguas) na muntikan nang mauwi sa pagpapakamatay ng huli noong Biyernes.

Nagkamit ang serye ng national TV rating na 21.7%, ayon sa datos ng Kantar Media, dahil sa makapigil-hiningang eksena kung saan pilit na inalam ni Enzo kung may kinalaman ba si Calvin sa pagkamatay ng ama niyang si Victor (Albert Martinez). Humantong pa ito sa akmang pagtalon ng nakababatang Buenavidez mula sa tuktok ng isang abandonadong gusali.

Sa online, umulan naman ng mga papuri mula sa mga manonood ang pagganap ng cast ng programa.

Bago pa ang eksena noong Biyernes, naging usap-usapan na rin sa social media ang serye noong Kapaskuhan dahil sa kabilib-bilib na pagganap ni Nash sa kanyang karakter matapos unang nasiwalat ang sakit niya sa pag-iisip at ang rebelasyong parte lamang ng imahinasyon ang kaibigan niyang si Justine (Alexa Ilacad).

Sa pagpapatuloy ng kwento, puno pa rin ng pagdududa si Joseph (Joshua Garcia) sa tunay na pagkatao ni Calvin kaya naman patuloy siyang maghaha­nap ng ebidensya upang mapatunayang siya ang anak ni Dado (Jeric Raval). Ngunit sa kabila naman nito, uum­pisahan nang gumawa ni Olivia (Eula Valdez) ng hakbang upang mapatigil si Joseph, kahit pa idaan niya ito sa dahas.

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa The Good Son, gabi-gabi pagkatapos ng La Luna Sangre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: