PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nadine consistent sa issue ng live-in!

Anak nina David Beckham at Victoria Beckham tuloy ang biyaheng Pilipinas  

SEEN: Bibisita sa Pilipinas si Brooklyn Beckham, ang anak nina David at Victoria Beckham. Bench celebrity endorser si Brooklyn at si Ben Chan ang magdadala sa kanya sa Pilipinas.

SCENE: Consistent si Nadine Lustre sa kanyang mga statement. “Come on guys. It’s 2017!” ang sabi ni Nadine nang sagutin nito ang live-in issue nila ni James Reid at “Come on guys. It’s 2018!” ang reaksyon niya tungkol sa mga kontrobersya na kanyang pinagdaanan noong nakaraang taon.

SEEN: Ibinalik at dinagdagan ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng Deadma Walking dahil sa balita na maganda at entertaining ang pelikula na pang-Best Picture pero dinedma ng mga hurado ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

SCENE: Ang pasasalamat ng mga producer ng Siargao dahil ibinalik din sa mga sinehan ang kanilang pelikula na Second Best Picture sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2017.

SEEN: Hanggang sa Linggo, January 7, ang Metro Manila Film Festival pero extended sa mga sinehan ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad at ang Ang Panday dahil marami pa rin ang nanonood ng pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin.

SEEN: Ang The One That Got Away ang unang television show ni Jason Abalos bilang Kapuso Star. Thirteen years na contract star si Jason ng ABS-CBN.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: