PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pia-Piolo malabong matuloy?!

Kung kailan excited na ang mga fans hindi lamang ng most loved Miss Universe ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach kundi maging ng maituturing na heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual sa finally ay pagsasama ng dalawang most beautiful people in the universe sa isang project ng ABS-CBN at saka naman pumasok ang napakahigpit na schedule ng dalawa.

Both have to wait para lamang maging libre sila para sa isa’t isa. Kung hihintayin namang mag-swak ang schedule nila ay baka mainip na ang mga manonood sa kanila at mawalan na sila ng interes. Kailangang gumawa na ng paraan ang Kapamilya network at ang film arm nitong Star Cinema para lamang masamantala ang kasabikan sa dalawa ng tao.

McCoy at Elisse pelikula ang pang-bagong taon

Maswerte ang tambalang McLisse nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Nakatakda na silang mag-shoot ng kanilang launching film bilang magka-loveteam. Magandang pag­wawakas ito ng pagsuporta sa mga teleseryeng nilabasan nila tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano at The Good Son at sa box-office hit movie na Ang Panday.

Sorry na lang si Maris Racal dahil hindi siya ang sinwerteng maka-loveteam ang myembro ng #Hashtags pero, wagi naman siya sa puso ni Inigo Pascual.

Nalulungkot man si McCoy sa kinahinatnan ng pagpapareha sa kanila ni Maris, kailangan niyang tang­gapin ang paghihiwalay nila ng landas pero nananatiling magkakaibigan sila.

Arci nilayasan na ang pagbabanda

Umalis na ba si Arci Muñoz sa poder ng banda niyang Philia na kung saan ay ka-miyembro din niya ang Kapusong si Dion Ignacio? Maraming taon din ang ginugol ni Arci sa nasabing banda pero, ‘di mo rin naman siya masisi kung mas piliin niyang maging aktibo sa kanyang pag-aartista. Kasama siya sa bagong serye ng ABS-CBN na magtatampok sa tambalan nina Alessandra de Rossi, Empoy Marquez, Piolo Pascual at JC de Vera.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bong sisimulan na ang paggawa ng pelikula

Tama lang ang desisyon ni Bong Revilla na huwag nang balikan ang pulitika pag­labas niya ng kulungan. Mukha namang walang naibigay sa kanya ang pulitika kundi sakit ng loob at pagdurusa kaya mag-concentrate na lamang siya sa paggawa ng pelikula, kapag nakamit na niya ang kanyang kalayaan. Kundi siya ay naririyan naman ang kanyang mga anak para ga­wing action stars, hanapan na lamang niya sila ng mga leading ladies.

Nakakalungkot lang na hindi siya pinayagang  makalabas at makasamang muli ang pamil­ya niya sa bisperas ng bagong taon kaya sila ang dumayo sa kanya sa custodial center para magkasama-sama sila.

Wala naman sa lugar ‘yun, kundi nasa diwa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: