PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sarah at Matteo mas gusto munang tutukan ang career

Kung hindi kami nagkakamali, magpu-four years na ang relasyon ng magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at going strong ang dalawa kaya madalas tanungin ang Fil-Italian singer-actor kung kailan ito magpu-propose sa Pop Princess.

Sarah is 29 and turning 30 on July 25 habang si Matteo naman ay 27 pushing 28 on March 26.  Kung tutuusin, kaya na ni Matteo na bumuo ng isang pamilya pero gusto pa umano nilang i-enjoy ni Sarah ang kanilang relasyon bilang magkasintahan lalupa’t super busy silang dalawa sa kanilang res­pective career ngayong 2018.

Baste binitbit ang trophy sa bakasyon!

Wala ang Metro Manila Film Festival Best Child Actor na si Baeby Baste sa New Year’s day live presentation ng Eat Bulaga last Monday, January 1 dahil on extended vacation ito sa Gen. Santos City, ang hometown ng pamilya niya.

Ayon sa mommy ni Baeby Baste (Sebastian Benedict Granfon Arum­pac) na si Mommy Shiela, iba raw ang kasiyahan ng kanyang anak kapag umuuwi sila ng GenSan.

Naging maganda ang pasalubong ni Baeby Baste sa kanila dahil dala-dala niya ang kanyang kauna-unahang Best Child Actor trophy mula sa MMFF dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Meant to Beh na isa sa mga pinipilahan sa takilya.

Tuwang-tuwa para kay Baeby Baste ang bida ng Meant to Beh at isa sa mga haligi ng Eat Bulaga na si Vic “Bossing” Sotto dahil sa pagkakapanalo nito ng Best Child Actor trophy considering na five years old pa lamang ito at hindi pa marunong magbasa ng script.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, kung wala si Baeby Baste, naroon naman ang ka-loveteam ni Alden Richards na si Maine Mendoza na bumalik galing sa kanyang Christmas holidays with her family sa Miami, Florida

Kahapon, January 2 ay nagkaroon ng special birthday presentation ang EB para sa ika-26th birthday ng ka-loveteam ni Maine na si Alden.

Jason at Melai nagnenegosyo na rin ng bigas

Dahil karamihan ng mga talent ng PPL Entertainment ay nasa bakuran ng Kapuso Network, hindi kataka-taka na Kapuso na rin si Jason Francisco.

Si Jason ay ikinasal kay Melai Cantiveros nung December 9, 2013 at meron nang dalawang anak ang mag-asawa, ang three-year-old na si Mela at ang almost 9 months old na si Stela.

Tulad ng ibang mag-asawa, dumaan din sa mga pagsubok ang celebrity couple pero na-iron out nila ito at lalong naging matatag ang kanilang pagsasama.

Samantala, nagpagawa ng two-storey house ang mag-asawang Melai at Jason sa hometown ng huli sa Calapan, Mindoro kung saan din meron din silang rice retailer business.

Kung si Jason ay nasa bakuran na ng Kapuso Network, si Melai naman ay nanatiling Kapamilya dahil sa kanilang top-rating morning TV show na Magandang Buhay na pinagsasamahan nila nina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: