PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hubad na picture ni Diego Loyzaga nagkalat!

Marvin at Markki napa-‘love, love, love’ sa same-sex marriage ni Tim Yap

SEEN: Binura agad ni Diego Loyzaga ang nude picture na aksidente na na-upload niya kahapon sa kanyang Instagram story pero huli na dahil marami ang nakapag-screenshot ng kopya.

SCENE: Ang magkasunod na komento nina Marvin Agustin at Markki Stroem sa same-sex marriage photo nina Tim Yap at Javi Martinez Pardo. “Beautiful” ang comment ni Marvin at “Love, love, love” ang reaksyon ni Markki.

SEEN: Si Lea Salonga ang nag-post sa social media ng wedding photo nina Tim Yap at Javi Martinez Pardo na pinupuri nina Marvin Agustin at Markki Stroem dahil siya ang witness sa New York wedding ng dalawa noong Pasko.

SCENE: Dalawa ang karakter ni Jodi Sta. Maria sa Sana Dalawa ang Puso at triplets ang role ni Erich Gonzales sa Blood Sisters ng ABS-CBN. Uso na naman ngayong 2018 sa mga teleserye ang mga kuwento ng kambal na magkakapatid.

SEEN: Ang Sana Dalawa ang Puso ang replacement ng ABS-CBN sa morning drama series na Ikaw Lang ang Iibigin. Sa kauna-unahang pagkakataon, mararanasan ni Robin Padilla na magkaroon ng pang-umaga na television show. Co-actors ni Robin sa Sana Dalawa ang Puso sina Richard Yap at Jodi.

SCENE: Ang US screening sa selected cinemas ng Meant To Beh, simula sa January 5. Ang tangkilikin ng mga Pilipino sa Amerika ang filmfest movie nila ni Dawn Zulueta ang request ni Vic Sotto.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Sa January 17 ang playdate sa mga sinehan ng Mama’s Girl, ang pelikula ni Sylvia Sanchez sa Regal Entertainment Inc. Cast members ng Mama’s Girl sina Diego Loyzaga, Sofia Andres at Alyana Asistio.

SCENE: Ginagamit for promotions ng isang restaurant owner ang romantic photos ng wedding proposal ni Alfred Vargas sa kanyang misis na si Yasmine Espiritu noong July 23, 2016.

SEEN: “Defy the world” ang English translation ng Contra Mundum, ang salitang Latin na bukambibig ni Celeste Legaspi nang tanggapin nito ang mga parangal sa Ang Larawan sa Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival noong December 27.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: