PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kilalang babaeng personalidad, tomboy ang pinatos nang magsawa sa singer!

2018 na pero hanggang ngayon ay usung-uso pa rin ang pagto-throwback sa mga umpukan. Napakasarap daw ka­sing balik-balikan ang nakaraang panahon na katatawanan na lang ang nagiging resulta kung minsan.

Totoo nga naman. Ang lahat ng mga pangyayari nu’n kapag binalikan ay komed­ya na ang hatid lalo na kung nakapag-move on na ang mga artistang sangkot. Tatawanan n’yo na lang ang kuwento, pagpipistahan, pero may kakambal nang halakhakan.

Isang pamosong female personality ang napagtuunan ng aten­siyon sa umpukan, napakalaki ng kanyang pangalan para hindi mahulaan kung sino siya, narito ang kanyang kuwento.

“Kasagsagan ‘yun ng pakikipagrelasyon niya sa isang male performer. ‘Yun din ang time na tinatamad na siyang magtrabaho. Kung tumutupad man siya sa work, e, cause of delay siya ng production, dahil ang tawag na sa kanya nu’n ng mga kasamahan niya, e, ‘the late ____.’

“Kasi nga, e, maghapon at magdamag lang silang magkasama ng boyfriend niya. Nakakulong lang sila sa kuwarto. Du’n na sila hinahatiran ng pagkain ng mga kasambahay niya.

“At hindi sila puwedeng abalahin ng kahit sino, kahit ng mga anak ng girl, bawal na bawal ‘yun! Ang babae lang ang may karapatang gumamit ng intercom kapag may iuutos siya pero hindi siya puwedeng tawagan ng kahit sino habang nasa kuwarto sila ng kanyang dyowa!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“So, ang ginagawa na lang ng mga maid-of-cotton kapag may kailangan silang sabihin sa boss nila, e, isinusulat nila ‘yun at saka isinisingit sa ilalim ng pintuan.

“At ang nakakaloka, sumasagot naman ang girl, nakasulat din, isinisingit din niya sa ilalim ng door ‘yun, palabas. So, ang communication sa bahay na ‘yun, e, sa pamamagitan ng sulat!

“Hindi nga kasi lumalabas ang boss nila, kaya para may mangyari, through letters na lang ang paraan nila. hihingi ng pamalengke ang maid, isusulat niya ‘yun at saka isisingit sa ilalim ng pintuan.

“Sasagot naman ang boss, isusuot din niya ang datung sa ilalim ng pintuan. Di ba, nakakaloka ang drama niya? Para silang nagpapalitan ng telegrama!” malakas na halakhakan ang maririnig sa paligid dahil sa kuwento ng source.

Nagtagal din ang ganu’ng sitwasyon sa pagitan ng female personality at ng dyowa niyang male singer. Pero ang sumunod ay ibang putahe na. Hindi na lalaki ang karelasyon ni boss, isang kilalang tunggril na, pero hindi na sila nagkukulong nang maghapon at magdamag sa kuwarto.

Ubos!

Kathryn kakaiba ang natutunang disiplina

Napakasuwerte ng nakaraang taon para kay Kathryn Bernardo. Hindi lang ang kanyang career ang umangat nang husto, nagkaroon din siya ng pagkakataong makapagnegosyo kasama ang kanyang pamilya, may tatlong sangay na ngayon ang kanyang KathNails.

Sa personal na aspeto naman ay nananatiling matatag ang loveteam nila ni Daniel Padilla sa harap at likod ng mga camera. Walang kahati si Kath sa puso ni DJ.

Hindi sila magkasama nu’ng New Year, sa Amerika nagbakasyon ang pamilya ng dalaga, sa Japan naman nag-enjoy ang buong barangay ni Karla Estrada kasama ang ilang kaibigan.

Pero siyempre, milya-milya man ang layo nila sa isa’t isa ay hindi mawawala ang araw-araw nilang komunikasyon. Nagbabalitaan sila, matagal na nagku-          kuwentuhan, hindi kasi sila sana’y nang magkalayo.

Maganda ang disiplina ni Kathryn, palibhasa’y pinaghirapan niya nang husto ang career na pinanghahawakan niya ngayon, dumaan siya sa sangkatutak na audition bago siya nabigyan ng pansin ng ABS-CBN.

Sabi nga ni Ogie Narvaez Rodriguez na consultant ng KathNails, “Iba po talaga kapag pinaghirapan ang career. Hindi kasi siya tumigil sa kao-audition. Kapag may announcement para sa audition, pumipila talaga sila ni Mommy Min.

“Wala siyang padrino sa network, wala siyang backer, kaya lahat ng meron siya ngayon, sari­ling sikap niya ‘yun. Kapag very disciplined siya sa tra­baho, wala siyang kaartehan, kung mga konting problema lang naman sa production, wala kang maririnig na reklamo kay Kath,” positibong kuwento ng aming kaibigan-anak-anakan.

Iba talaga ang batang nasubaybayan ng mga magulang sa paglaki. Marespeto sa kanyang kapwa, mapagpahalaga sa utang na loob, mapagkumbaba.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: