PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kasalang Dra. Vicki at Hayden inaabangan kung may makakatalo!

Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo

Hindi maikakaila na ang grandi­yoso at star-studded wedding sa pagitan ng dalawang celebrity doctors na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na ginanap sa Paris, France noong nakaraang September 2, 2017 ang maituturing na Wedding of the Year, if not Wedding of the De­cade na ginastusan umano ng P80-M.

Wala pa kaming alam na Filipino couple gaano man kayaman ang gumastos ng gano­ong kalaking halaga for their wedding kaya ma­ituturing na trendsetter ang wedding nina Dra. Vicki at Dr. Hayden.

Ang taong 2017 ay sinimulan ng kasal ng anak ng TV host-come­dian-producer at bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Meant to Beh na si Vic “Bossing” Sotto na si Paulina Sotto sa fiancé nitong si Jed Llanes na ginanap sa Pico de Loro Beach and Country Club sa Batangas on January 1, 2017.

Si Paulina ay anak ni Bossing (Vic) sa dating model-actress na si Angela Luz na nagmula sa pamilya ng mga artist. 

Minana ni Paulina ang pagiging isang painter sa kanyang  grandfather, ang National Artist for Visual Arts na si Arturo Luz at may music talent naman si Jed na nakapagtanghal noon kasama ang Ateneo Blue Symphony Orchestra during his college days.

Kung January 1, 2017 ikinasal sina Paulina at Jed, nung January 7, 2017 ay muling ikinasal ang nakababatang kapatid ni John Prats na si Camille Prats sa childhood friend nitong si VJ Yambao na ginanap naman sa Nayomi Sanctuary Resort in Balete, Batangas. Sa nasa­bing lugar din ikinasal si John sa misis na nito ngayong si Isabel Oli nung May 16, 2015.

Matapos ikasal sa civil wedding rites in 2015, nagpakasal naman sa simbahan ang mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano last November 7, 2017 na ginanap sa Twin Hearts of Jesus and Mary Parish in Quezon City. Ang mag-asawa ay meron nang one-year-old daughter na si Stellar.

Sa buwan din ng November ikinasal ang engaged couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff nung November 12, 2017 na ginanap sa Queensland, New Zealand.

Si Erwan ay nakababatang kapatid ng singer-model at Kapuso actress-TV host na si Solenn Heussaff na nagkataong isa sa mga kabarkada ni Anne.

Ikinasal naman ang dalawang couple na sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan at Max Collins at Pancho Magno nung December 11 and 12, 2017 respectively.

Ikinasal sina Max at Pancho sa pamamagitan ng isang Christian wedding sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa New Port City na sinundan kinabukasan ng grand wedding ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas at Gerald na ginanap sa Christ the King Parish, Greenmeadows, Quezon City.

Ngayong 2018 ay inaabangan naman ang kasal ng engaged couples na sina Billy Crawford at Coleen Garcia, Maxene Magalona at Robby Mananquil, Rodjun Cruz at Diane Medina, Michelle Madrigal at Troy Woolfolk  at iba pa.

Happy New Year!

Here’s wishing everyone a blessed, peaceful,  joyous and fruitful 2018. Happy New Year to all!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: