PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aktres na bigay todo sa relasyon, nakabangon na sa panloloko ng actor

Pinanday na ng panahon ang isang popular na female personality. Bata pa lang siya ay sangkatutak nang pag­hamon ang kanyang naeng­kuwentro. Pero likas sa kanya ang pagiging matapang, ang bawat pagbagsak ay may katapat na pagbangon, nasasaktan man ay naitatago niya ‘yun sa publiko.

Positibo ang paglalarawan sa magandang aktres ng kanyang mga kaibigan at nakakatrabaho. Tapat siyang kaibigan, hindi kasama sa kanyang diksiyonaryo ang trayduran, martyr siyang karelasyon.

Kuwento ng aming source, “Isa siya sa mga artistang sumikat nang hindi niya nararamdaman ang pagiging sikat niya. Ordinaryo lang ang tingin niya sa sarili niya. Wala siyang ere, pero very frank siya. Masaktan ka man, sasabihin niya sa iyo ang ayaw niya.

“Cowboy rin siya. Walang wall sa kanya at sa mga maliliit niyang katrabaho sa TV at sa pelikula. Kaya niyang makibagay kahit kanino. Marespeto siya, mapagpahalaga sa kapwa niya,” papuri ng aming kausap tungkol sa popular na female personality.

Ibang klase siyang karelasyon. Hindi siya naglalagay ng label, mas sikat man siya sa boyfriend niya, pantay lang sila sa kanyang pagtrato at tingin. Martyr siyang girlfriend.

Patuloy ng aming impormante, “Hindi siya two-timer. Napaka-faithful niyang girlfriend. Bigay-todo siya sa karelasyon niya. Sikat siya, pero kaya niyang bitbitin ang mga stuff ng boyfriend niya kahit sa harap ng maraming tao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Ganu’n siya katindi bilang karelasyon. ‘Yun ang reason kung bakit sobra siyang nasasaktan kapag nalalaman niyang may kahati pala siya sa puso at attention ng lalaki. ‘Yun ang hina niya, sa pakikipagrelasyon, ‘yun lang ang weakest part ng buhay niya.

“Kaya niyang tanggapin ang pag-ayaw ng guy, pero ang two-timing, big no-no sa kanya ‘yun. At ‘yun ang pinakamatinding pinroblema niya lately. Naniwala siyang sila pa rin ng guy, pero nalaman na lang niya, meron na palang iba ang boyfriend niya.

“Pinaniwala siya ng guy na sila pa rin, pero at her back naman pala, e, may nangyayari nang milagro na sa social media pa niya nalaman. Napakasakit nga naman nu’n, the last one to know pa siya.

“Pero naka-move-on na siya, nakabangon na siya uli, napaka-positive na ng buhay niya ngayon. Kung ang mga ngetspa nga, e, nakaka-move-on, siya pa ba namang napakaganda ang hindi? Naman!

“Kanya pa rin ang huling halakhak, promise, mag-abang na lang tayo sa mga susunod na scenario!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden itinapon ang lahat ng kanegahan, ayaw sa stress

Naging mabait kay Alden Richards ang nakaraang taon. Lahat ng mga pangarap niya ay natupad. Isang magarbong bahay para sa kanyang pamilya, mga sasakyang pinapangarap lang niya nu’n na minamaneho na niya ngayon, at isang napakamabungang karera na bunga ng kanyang pagpupunyagi at propesyonalismo.

Maganda ang pananaw ng Pambansang Bae sa buhay. Positibo lang, itapon ang kanegahan, para wala siyang stress. Kung dadaanin nga naman sa pagbibilangan ay mas nakahihigit pa rin ang mga nagmamahal sa kanya kesa sa mga walang magawa niyang bashers. Good vibes lang.

At ang napakaagang natutuhan ni Alden ay ang pagpapahalaga sa kanyang mga pinaghihirapan. Hindi niya naman pinagdadamutan ang kanyang sarili at ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya pero alam niya kung saan itataya ang kanyang ipon.

Naalala namin ang madalas sabihin ng matagumpay na negosyanteng si Sir Manny V. Pangilinan. Ang pinakamagandang paglagyan ng puhunan ay ang mga hanapbuhay na may kinalaman sa ating pang-araw-araw na buhay. 

Komunikasyon. Ospital. Gasolinahan. Kuryente at tubig. Pagkain. Totoong-totoo, kailangan natin sa araw-araw ang nabanggit na linya ni Sir MVP. At pagkain ang napiling sosyohan ni Alden Richards.

May mga balikbayang kaibigan kami na kumain na sa Concha’s Garden & Bar sa Kyusi. Wala si Alden nang magpunta sila sa Concha’s, pero puring-puri nila ang mga pagkaing inorder nila, napakasarap daw ng mga pagkain du’n kaya pansamantala nilang kinalimutan ang pagda-diet.

Sabi ni Lina Valdez na nakabalik na sa Australia, “Wala kang iiwanan sa dish plate, masarap kasi lahat. Kasingsarap pala ni Alden ang mga pagkain sa restaurant niya!” humahalakhak pang sabi ng aming kaibigan.

Dalawang Concha’s Garden na ang dinadalaw ng ating mga kababayang naghahanap ng masasarap na pagkain. Meron sa Tagaytay at meron sa may Tomas Morato sa Quezon City. At ngayong 2018 ay madadagdagan pa.

Maligayang bati sa Pambansang Bae!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: