PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Maine ‘di sinipot ni Alden sa pagbabalik-Bulaga

Maine Mendoza at JoWaPao

Very true ang mga balita noong 2017 na babalik sa Eat Bulaga si Maine Mendoza sa unang Lunes ng 2018.

Napanood na uli kahapon si Maine sa Eat Bulaga matapos ang ilang linggo na pamamahinga. Siyempre, natuwa ang fans ng AlDub nang masilayan nila sa TV si Maine, kahit hindi sila together ni Alden Richards dahil nasa Broadway studio ito ng Eat Bulaga habang kasama siya nina Jose Manalo, Wally Bayola, Jimmy Santos, at Anjo Yllana sa isang barangay.

Almost complete ang Eat Bulaga Dabarkads dahil nagbalik na rin si Ryan Agoncillo sa number one noontime show ng bansa. Matagal na hindi napanood si Ryan sa Eat Bulaga dahil nagkaroon siya ng knee injury.

Absent din si Baste pero nag-congratulate naman sa kanya si Vic Sotto dahil sa Best Child Performer trophy na napanalunan niya sa awards night ng 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 27.

Si Baste lang ang nag-iisang representative ng cast ng Meant To Beh sa MMFF awards night pero hindi nasayang ang pagdalo ng bagets dahil sa acting award na kanyang napanalunan at sa production number niya.

Sinon isinusuka ng LGBT community sa pang-aalipusta sa PA!

No-show si Sinon Loresca sa first live telecast ng Eat Bulaga para sa 2018.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Actually, hindi naman mapapansin ang absence ni Sinon kung hindi siya nasangkot sa eskandalo noong December 30.

I’m sure, may kinalaman ang pangangalmot ng baklita sa isang foreigner kaya missing in action siya sa Eat Bulaga.

Malakas ang kutob ng LGBT community na suspended si Sinon dahil sa pananakit na ginawa niya at dahil sa kanyang unang viral video na kumalat.

May pang-iinsulto ang unang video ni Sinon dahil pinaratangan nito na gusto lang mag-viral sa social media ng tao na sinaktan niya kaya nag-post ito sa Facebook tungkol sa insidente na nangyari sa isang bar sa Pasig City noong Sabado.

Burado na ang unang video pero agad na nakopya ito ng mga tao na imbyerna sa kamalditahan na ipinakita ni Sinon kaya super negative ang image niya.

Ang sabi ng mga im­byerna kay Sinon, wala na itong puwang sa isang wholesome na programa na institusyon na. Wish ng ordinary people at mga miyembro ng LGBT community na huwag nang pabalikin si Sinon sa Eat Bulaga dahil bad example siya sa lahat, hindi lamang sa mga kabataan. Mararamdaman na ngayon ni Sinon ang epekto ng pananakit na ginawa niya sa kapwa member ng LGBT community.

Fireworks ban ni Pres. Digong, effective

Feel na feel ko noong bisperas ng Bagong Taon ang mga pagbabago sa pagsalubong ng mga Pilipino sa 2018.

Hindi ako makapaniwala na wala nang mga nagpapaputok ng mga rebentador at kung anik-anik pa sa lugar namin.

Nabalitaan ko na maging sa ibang mga lugar sa Metro Manila at mga probinsya, walang nagpaputok o nagsusunog ng mga gulong sa kalsada.

Effective talaga ang ban ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte sa firecrackers na puwede naman pala pero hindi naipatupad ng mga nakaraang lider ng bansa.

Hindi naman totally banned ang firecrackers dahil naglagay ng de­signated areas ang mga local official bilang pagsunod sa ipinag-utos ni Papa Digong.

Effective talaga ang nationwide firecracker ban na ipinatupad ni Papa Digong kaya nadagdagan na naman ang paghanga ko sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: