PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Angel best part si Neil!

Angel Locsin at Neil Arce

Naging masaya ang puso ni Angel Locsin sa natapos na 2017.

Nagkaroon ng formality ang relasyon nila ng matagal na niyang kaibigan na si Neil Arce na ex ni Bela Padilla. Movie producer si Arce.

“Falling in love with you was the best part of my 2017 @neil_arce excited to share my 2018 with you,” sabi ni Angel sa kanyang Instagram post.

Sa Korea nagbakasyon ang pamilya ni Angel.

Joshua Garcia at Julia Barretto

Julia naging magical ang buhay kay Joshua

Wala mang diretsahang pag-amin ang magka-loveteam na sina Julia Barretto and Joshua Garcia hindi na nila kailangan. Marami na ang nag-confirm na sila na nga.

At bago natapos ang 2017, magkasama sila sa Japan, kasama ang buong pamilya ni Julia sa pangunguna ni Marjorie Barretto. “Ringing in the new year with the person I shared the most magical moments with this year. Thankful for you,” ang caption ni Julia sa holding hands photo nila ng young actor habang nasa snow.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagsimula noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 ang kanilang loveteam, sa pelikulang  Vince & Kath & James hanggang nasundan ng iba pa nilang proyekto na sila ang magka-loveteam. Kasama ang JoshLia sa comeback movie ng ‘loveteam’ nina Robin Padilla and Sharon Cuneta na Unexpectedly Yours na recently lang ipinalabas at kumita rin ng almost P300 million.

Bumango ang career ni Julia nang si Joshua ang maging katambal kasabay nang pakikipag-ayos niya sa kanyang amang si Dennis Padilla.

Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger

Marlon at Pia hindi natinag ng kambal

Sa Switzerland naman nagpalipas ng New Year ang magkarelasyong Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach.

Bagama’t naintriga noong isang taon si Marlon kung saan may sumulpot na modelong nagpakilalang ina ng umano’y kambal na anak ng car racing driver, wala itong naging epekto sa kanila.

Ngayon nga ay dinala ni Marlon ang 2015 Miss Universe sa kanyang pamilya na nakabase sa Switzerland. “My best friend thank you for showing me around your hometown, my love,” ang pasasalamat ni Pia sa kanyang IG post na nakalagay ang photo ni Marlon.

Angelica Panganiban

Angelica nasaktan at sumaya sa 2017!

“Masakit ka sa ulo 2017. Pero ito ang pinakamasayang taon ko,” sabi ni Angelica Panganiban sa kanyang New Year Instagram post.

“Sa pagtitiwala, pero binigo. Sa pagiyak, pero kinaya,” dagdag niyang caption.

“Sa pag tawa ng walang humpay. Sa pagkakaron ng mga bagong kaibigan. Sa mga kaibigan na nabalik. Sa mga lugar na bagong naramdaman. Sa pagkakataon na sinubukan. Sa mga tagumpay na pinasalamatan. Thank you 2017. Exciting 365 days ahead happy new year guys!!!,” pagpapatuloy niya sa kanyang post.

Wala mang tinutukoy na pangalan, pero alam ng lahat na patungkol kay John Lloyd Cruz ang lahat na ngayon ay magiging ama na sa panganay nila ni Ellen Adarna (bagama’t wala pang direktang pag-amin sa kanilang relasyon).

Ang alam ng lahat nun ay sila na uli ng actor at lagi pa nga silang nakikita sa Batangas dahil nagpapagawa raw doon ng rest house ang actor pero biglang nag-iba ang mga pangyayari sa pagpasok sa buhay ng actor ng sexy actress na si Ellen.

Sa Japan nagbakasyon si Angelica kasama ang mga kaibigan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: