Bonggang bagong taon sa ating lahat!
Happy New Year everyone!!! Ayokong sabihin na maging masagana sana ang 2018 natin dahil positive thinker ako kaya ikini-claim ko nang bongga ang bagong taon para sa lahat ng mga Pilipino at sa ating pang-kabuhayan showcase. Happy New Year!!!
Sinon nanakit ng PA sa bar, nagmagandang loob na umawat pinagkakalmot!
Patapos na ang 2017 pero humabol sa listahan ng mga Newsmaker of the Year si Sinon Loresca na kinalmot sa dibdib ang isang Farhad na partner ni Drew Fernandez, ang nag-post sa Facebook ng pananakit ng baklita sa kanyang dyowa.
Ang kuwento ni Fernandez, nagmagandang-loob si Farhad dahil nakita nito na sinasaktan ni Sinon ang personal assistant nito na si Nadia na isang transgender woman.
Minasama umano ni Sinon ang sinabi ni Farhad na mag-apologize siya kay Nadia at nag-dialogue pa ang baklita ng “Why should I apologize to her, she is just my maid. I am a celebrity, I can do whatever I want and you cannot do anything about it.”
To make the long story short, umabot sa physical violence ang eksena dahil pinagkakalmot ni Sinon si Farhad na nag-file ng reklamo sa isang police precint ng Pasig City.
Inireklamo sa pulis Imbes na mag-sorry, nagtaray muna!
Gumawa agad si Sinon ng video para ipagtanggol ang sarili at ipaliwanag ang sitwasyon.
Dalawa ang video na inilabas ni Sinon pero binura nito ang una dahil nega ang kanyang pagtataray na “’Yun naman ang gusto mo, mag-viral ka ‘di ba? O, congratulations, ikaw na ang nag-viral! Ganoon?”
Kahit deleted na ang unang video, maagap ang mga faney dahil nakopya nila agad ang pagtataray ni Sinon na obvious na na-realize ang pagkakamali kaya naglabas ng second video na apologetic naman siya.
Ginamit pa ni Sinon na props ang pobreng si Nadia na nasa likod ng kanyang bossing habang nag-e-emote ito at nagpapaliwanag na naghaharutan lamang sila ng personal assistant niya.
“Siguro na-misinterpret mo na akala mo binubugbog ko si Nadia. Hindi po iyon totoo. Kung nakita mo man ‘yung binubugbog ko, lambing po namin iyon, hindi po iyon bugbugan na super seryoso.
“Hindi po sila tatagal sa akin kung masama po akong tao. Sino po ba ako para manakit ng kapwa tao? Wala po akong karapatan manakit ng kapwa tao, dahil alam ko rin pinagdanasan ko rin kung paano ako saktan ng mga tao sa paligid ko dati, kung papaano ako tumayo sa mga taong malulupit ang kamay sa akin. So alam ko po, naiintindihan ko rin po iyon,
“Humihingi po ako ng sincere- I apologize sa nangyari kung ano man po nangyari sa atin kagabi. Nagkasakitan po tayo. Inaamin ko lumaban din ako.
“Sorry talaga kasi hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Tao rin ako may emotion din ako, nasasaktan din minsan, lumalaban din ako. Sana po huwag na po natin palakihin ‘yung isyu,” ang emote ni Sinon na nanganganib na matsugi sa mga show niya dahil hindi magandang halimbawa ang kanyang ginawa at ang masasakit na salita tungkol sa mga kasambahay.
Nang mabasa ko ang statement ni Sinon tungkol sa mga maid na pinatotohanan ni Fernandez, nadismaya ako sa kanya dahil sa trato niya sa mga kasambahay.
Hindi tino-tolerate ng Eat Bulaga at GMA 7 ang mga hindi makatao na asal kaya abangan natin ang mangyayari sa showbiz career ni Sinon na lumitaw ang kamalditahan nang malasing.
Kahit nakiusap si Sinon na huwag palakihin ang isyu, hindi niya puwedeng pigilan na magsalita ang mga kababayan natin na imbyerna sa kanya at mas naniniwala sa pahayag ng mga complainant.
- Latest