^

PSN Showbiz

Kris Lawrence na stress sa gf, hiniwalayan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kris Lawrence na stress sa gf, hiniwalayan!

Kris Lawrence

Kamakailan ay nagkahiwalay na si Kris Lawrence at ang non-showzbiz girlfriend ng singer. “Kaka-break lang namin. Hindi siguro ako suwerte sa love life ngayon. Focus muna sa work. Saka bumili ako ng bagong bahay so kailangan kong magtrabaho,” bungad ni Kris.

Sampung taon ang agwat sa edad ng dating magkasintahan kaya posibleng ito raw ang dahilan ng hiwalayan. “Siguro age difference. Mas matanda ako sa kanya eh. kailangan mong habaan ‘yung pasensya and I was aware of that but it came to the point na siguro naubos na,” makahulugang pahayag ni Kris.

Madalas na nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang singer at ang dalaga kaya nagpasyang maghiwalay na lamang. “Especially ‘yung work ko, marami akong kasamang magaganda. Kasi itong mundo natin ang daming magagandang babae. So hindi niya naintindihan ‘yon minsan. ‘Yung mga sagot ko sa presscon hindi niya maintindihan. ‘Yung work ko ‘pag late at hindi ako maka-text nag-aaway kami do’n. Ako naman, when it’s not worth fighting for ayokong pansinin. Kasi waste of energy lang, dagdag stress for no reason. When it came to the point where I said why am I stressing myself with this, ayoko na,” pagdedetalye ng singer.

Samantala, nananatiling magkaibigan ang singer at dating karelasyong si Katrina Halili. Patuloy pa rin daw ang ginagawang pagsustento ni Kris sa kanilang isang anak.

“We are very good right now, on good terms. We communicate almost everyday. I see my daughter four to five times a week. Kusa akong nagbibigay kasi hindi naman siya nagde-demand eh. I am obligated at meron kaming pinag-usapan, so ibinibigay naman ‘yon. Tapos ‘pag may extra ako, binibigyan ko pa siya ng extra,” kuwento ni Kris.

Jameson dusa sa pananagalog

Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ngayon ang walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Kahit nahirapan sa pagsasalita ng Tagalog ay masayang-masaya naman si Jameson Blake dahil kabilang siya sa mga pangunahing bida ng Haunted Forest.

“Ang hirap dito kasi Tagalog eh. Ito ‘yung first movie ko na despite the dialogue, siguro ‘yung first scenes more on physical kasi away and everything. So nakita nila ‘yung ginawa namin sa actual forest,” nakangiting bungad ni Jameson.

Hinding-hindi rin makalilimutan ng baguhang aktor ang nasabing proyekto dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa siya na horror ang tema. “Freaky siya eh, ‘pag nakita mo siya, parang hindi siya figure, creature talaga siya. I’m not so into horror movies but I appreciate it. In terms of being physical, ito na talaga ‘yung most difficult. Falling kasi and everything sa forest and the stones, you never know when you’ll get hit,” paliwanag ng binata.

Kabilang din sa pelikula sina Raymart Santiago, Jane Oineza, Jon Lucas, at Maris Racal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with