^

PSN Showbiz

Cong. Albee tuloy na sa pagpo-produce ng maraming pelikula!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Cong. Albee tuloy na  sa pagpo-produce ng maraming pelikula!

Goma at Cong. Albee

Naka-season break pa ang programang Game Changer ni 3rd District Negros Occidental Cong. Albee Benitez na napapanood sa ABS-CBN News Channel.

Five seasons din umere ang programa na nakatutok sa mga topic na nagpapabago sa buhay ng bawat manonood. Sa last season ay nakasama na ni Cong. Albee na mag-host ang anak na si Javy na nag-aaral sa Sta. Clara University in California.

Maganda ang naging feedback at rating ng show.

Kailangan lang daw nilang i-reassess para mas maging malakas ang impact sa audience at maiwasan ang pagkaumay sa programa.

“We had to stop production for a while. We need to reassess what we can do on the show. Or produce a totally new show, although, in the same mold as Game Changer. I really want a show that can help the audience become a game changer in their lives,” pahayag niya sa isang chance tsikahan when we bumped into him sa Bellavita in Taipei weeks ago with Tito Ricky Lo, Nay Lolit Solis, Gorgy Rula, and Isah Red.

Once a week napapanood ang Game Changer sa ANC.

Bukod sa Game Changer, kilala sa showbiz na best friend ni Gabby Concepcion si Cong. Albee.

Common knowledge na nasa ligawan stage pa lang sina Gabby at Sharon Cuneta, best friend na niya ang actor.

So ilang dekada na ‘yun? Hindi na nga ngayon kayang magsama sa pelikula nina Gabby at Sharon, pero sila ng actor ay nanatiling intact ang friendship.

Anyway, ipinu-push ng kongresista na galing sa sikat na Benitez clan (Philippine Women’s University) ang pelikulang mala-Ocean’s Eleven na pagbibidahan nina Gabby, Richard Gomez, Albert Martinez, Piolo Pascual among others. Naayos na nila ang script pero nagkaroon ng isyu sa billing ang isa sa mga nabanggit na actor.

Hindi na siya baguhan sa pagpo-produce ng pelikula. Naging co-producer na siya ng Viva Films sa isang movie na ipinalabas years ago.

Next year, 2018, wala nang makakapigil para gawin nila ang still untitled movie project na matagal na niyang nasa plano. May director na siyang target though hindi pa niya nabanggit.

Sa pagpasok ni Cong. Albee sa movie production tiyak na hindi na magiging tagtuyot ang movie industry sa 2018. 

Liza

Kailangan ang mga bagong producer na willing sumugal sa matitinong pelikula upang magtuluy-tuloy ang pagsigla at pagbuhay sa movie industry natin na ilang panahon ding naging matamlay.

Handa rin siyang makipagtulungan kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair and CEO Liza Diño upang maging international ang standard ng bawat pelikulang gagastusan niya.

Anyway, marami pa kaming nalaman kay Cong. Albee sa biglaang tsikahan na ‘yun over sumptuous dinner sa Taipei. Kuwento ko na lang next time. Meron pa siyang ipinatatayong theme park sa Negros na mala-Disneyland.

Ryan at Pacman sa Infinite Challenge

Ryan Bang naging interpreter ni Pacman

Si Ryan Bang pala ang naging interpreter ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang guesting sa Korean show na Infinite Challenge.

Nag-taping na ang Pambansang Kamao para sa nasabing programa na eere sa MBC channel sa South Korea.

More than 500 episodes na ang umere at maraming naaaliw sa nasabing programa.

Sa South Korea nagpalipas ng Christmas ang pamilya Pacquiao at makikita sa IG account ni Jinkee Pacquiao ang kanyang winter fashion sa pag-e-explore sa lugar ng favorite actor niyang si Ji Chang Wook.

Maalala sana ang mga binaha ngayong pasko

Sana naman ay maalala nating ipagdasal ngayong Pasko ang mga nasalanta ng bagyong Urduja. Humabol pa ang bagyong Vinta.

Grabe ang bahang naranasan sa ibang probinsiya dahil sa nasabing bagyo habang ang karamihan ay abala sa shopping sa mga nagdaang araw.

Have a meaningful Christmas everyone.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with