^

PSN Showbiz

Maine balik sa dating gawi pagpasok ng 2018!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maine balik sa dating gawi pagpasok ng 2018!

Maine Mendoza

Tulad sa nauna naming isinulat, confirmed na babalik si Maine Mendoza sa Eat Bulaga starting January 1, 2018.

Sa kasalukuyan ay ini-enjoy pa raw nito ang bakasyon sa States kasama ang pamilya.

 “Definitely she’ll be back. Alam naman nating she’s having a good time sa States with her family. Doon sila magki-Christmas,” sabi ng nagha-handle ng career niyang si Rams David na nakatsika namin sandali kahapon.

Kasalukuyang naka-Christmas vacation ang Eat Bulaga at pagpasok ng 2018, live na uli sila.

Kailangan lang talaga ng pahinga ni Maine ayon kay Ateng Rams. “Sobrang napagod sa rami ng trabaho. Saka remember, hindi naman siya showbiz, ‘di ba? So two years na mahigit na para siyang a fish out of the water.

“Bigla nating itinulak sa jungle! Dalawang taon niyang hinarap ang lahat ng challenges, ups and downs. Lahat.

“Yung open letter naman doesn’t mean na umayaw siya. Ang daming speculations na kesyo ganito, kesyo ganyan. Wala. None of those speculations are true!

“Ang totoo lang, nagbakasyon lang siya. Kasi Pasko naman. She deserves it,” paliwanag pa ng manager ni Maine.

Tulad sa binanggit ni Mr. Tony Tuviera, big boss ng TAPE, Inc. at APT Entertainment, sinabi rin ni Rams na walang uru­ngan ang movie nina Maine and Alden Richards.

Na-delay lang dahil nga binago ang script ng movie, hindi na ang original plan na action movie.

 “Siyempre, gusto ng company, ang mga bosses ng APT na ma­ging maganda ang istorya so we don’t know yet kung ano ang schedule ng shooting.”

Excited na ang fans sa pagbalik ni Maine na bago lumipad pa-Amerika ay naglabas ng open letter bilang pagkaklaro sa status nila ni Alden at pakiusap sa fans na naging over acting na ang ilusyon sa kanila ng ka-loveteam.

Vic Sotto

Vic hindi bilib sa P1 billion na claim ni Vice

Tatlong oras ang first cut ng pelikulang Meant to Beh starring Vic Sotto and Dawn Zulueta.

Kaya nga raw nahirapan silang magputol ayon kay Bossing Vic nang makatsika namin kahapon sa pocket presscon para sa kanyang official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na mag-uumpisang mapanood sa Pasko.

Nung manood si Pauleen hindi niya alam na three hours ‘yun. Hindi mo kasi mamamalayan,” sabi ni Vic nang ipapanood niya sa misis.

Anyway, estimate ni Bossing hindi kikita ng P1 billion ang isang pelikula sa MMFF.

Nag-claim si Vice Ganda recently na wishing and praying siya na kikita ng isang bilyon ang pelikula nila nina Daniel Padilla and Pia Wurtz­bach. “Mathematically, it’s impossible,” pahayag ni Vic.

“As a whole, pwede. Baka ‘yun ang sinasabi ni Vice. For the entire MMFF, hindi ‘yung pelikula lang niya,” dagdag ni Vic na isa rin sa mga producer ng pelikulang idinirek ni Chris Martinez.

Maging kung magkano ang kikitain ng pelikula niyang Meant to Beh ay hindi big deal sa bagong ama. “Number one, hindi ko na iniisip ‘yun, eh. Sa tagal ko na sa festival, ang iniisip ko lang eh maraming manood ng festival. 

“Magaganda ‘yung line-up. We have mga fantasy movies, we have mga drama, may musical, may Larawan, may Siargao, marami kang pagpipilian. Mas maganda nga, panoorin mo lahat. Anyway, it will run for 10 days or 14 days, two weeks.

“So you have all the time to watch Filipino movies. And for me personally, basta ang gusto ko maraming manood ng mga pelikula,”  sabi pa niya.

Ji Chang Wook

Ji Chang Wook naudlot ang concert sa birthday ni Pacman

Mas sumaya sana ang birthday ni Sen. Manny Pacquiao kung wala sa military training ang favorite Korean actor nila ng misis niyang si Jinkee Pacquiao, na si Ji Chang Wook.

Yes, nag-offer si Sen. Manny sa management ni Ji Chang na pakantahin ito sa kanyang birthday party sa GenSan the other day na dinaluhan ni Pangulong Rody Duterte. Pero hindi nga puwede ang K-actor dahil two years ang training nito.

May three days lang daw itong break sa training kaya nahingan ng autograph for Jinkee si Ji Chang ayon sa source ko na isang pulitiko na malapit din kay Sen. Manny at nagpakilala kay Manny ng Korean connections para nga kay Ji Chang Wook.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with